449 total views
Sinuspende ng Archdiocese of Nueva Segovia ang nakatakdang pagdeklara sa Minor Basilica of San Nicolas de Tolentino sa Sinait Ilocos Sur.
Kinumpirma ni Archbishop Marlo Peralta sa Radio Veritas ang ang pagkansela sa gawain na unang itinakda sa September 10 dahil na rin sa tumataas na kaso ng coronavirus sa bansa kabilang na sa Ilocos region.
Ayon sa arsobispo mahalagang unahin ang kapakanan ng mananampalataya at kaligtasang pangkalusugan mula sa nakahahawang virus.
“Because of the surge of COVID-19 maski dito sa Ilocos, we have decided to postpone it muna for the safety of everyone who are planing to come,” pahayag ni Archbishop Peralta sa Radio Veritas.
Matatandaang Mayo ng kasalukuyang taon nang inanunsyo ni Archbishop Peralta ang paggawad ng Santo Papa Francisco bilang Minor Basilica sa simbahan ng San Nicolas de Tolentino at dambana ng Senor Sto. Cristo Milagroso sa bayan ng Sinait.
Batay sa tala ng pamahalaang lokal ng Ilocos Sur mahigit sa isanlibo ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan kung saan sa Sinait ay may 131 active cases.
Sa naunang schedule ng deklarasyon pangungunahan ito ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown habang homilist naman si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Ayon pa kay Archbishop Peralta titiyaking ligtas na mula sa mabilis na pagkalat ng sakit bago ipagpatuloy ang solemn declaration sa ika – 17 minor basilica sa bansa.