402 total views
Itinatag ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang isang institusyong tutulong sa pangangailangan ng mamamayan partikular sa Bataan.
Ayon sa obispo na vice chairman ng migrants’ ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines isa sa pagtutuunan ng pansin ng Ad Seminandum RCS 10 Foundation, Inc. ang pagkalinga sa mga kabataan lalo na ang anak ng mga Overseas Filipino Workers na nawalan ng trabaho at napauwi sa bansa.
“Secondary scholarships of the sons and daughters of OFWs in our any of the nine Diocesan schools here in Bataan, especially for those retrenched or repatriated OFW’s,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Sinabi ni Bishop Santos na ito rin ay pagsasabuhay sa ‘gifted to give’ na paksa ng simbahan sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ngayong taon.
Bukod sa anak ng mga OFW ay tutulungan din ng foundation ang paghuhubog ng mga kabataang nais maglingkod bilang pastol ng simbahan.
“Tertiary scholarships for the seminarians of Bataan in any major seminaries in Manila,” ani ng obispo.
Kaugnay dito, inaanyayahan ni Bishop Santos ang mamamayan na tangkilikin ang kanyang mga isinulat na libro at prayer pamphlets na matatagpuan sa mga nangungunang bookstores at religious stores sa bansa sapagkat lahat ng kikitain dito ay mapupunta para sa mga programa ng foundation.
Bukod sa pagpapaaral may mga programa rin ang foundation na tumutulong sa kabuhayan lalo na ng mga mahihirap na mamamayan.
“The Foundation builds and manages a Diocesan bakery which will offer learning livelihood and feeding program,” dagdag ni Bishop Santos.