344 total views
Maglulunsad ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng serye ng novena masses sa loob ng siyam na buwan bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.
Tinagurian ang gawain na PPCRV Prayer Power Campaign 2022 na magsisimula ngayong ika-9 ng Setyembre, 2021 hanggang sa mismong araw ng halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022.
Layunin ng gawain na ipanalangin at hingin ang paggabay ng Panginoon sa matalinong pagboto ng bawat mamamayang Pilipino para sa kinabukasan ng bansa.
Bukod dito, bahagi rin ng panalangin ang pagkakaroon ng maayos, mapayapa at mapagkakatiwalaang proseso ng halalan at bilangan na magtatakda ng kinabukasan ng bansa.
“The Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) is spearheading a series of novena massses for nine months starting September 9, 2021 until our election day on May 9, 2022 to implore the aid of the Divine Providence for Filipinos to do their share to ensure that voting, counting, and canvassing in the 2022 National Elections proceed in an orderly, peaceful, honest and credible manner.” pahayag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).
Umaasa rin ang PPCRV na ang pagmamahal sa bayan at sa kapwa mamamayan ang tuwinang manaig sa lahat ng mga gagawing desisyon ng bawat isa para sa nakatakdang 2022 National and Local Elections.
“Let our every action in these elections be guided by these basic values for good citizenship so that thoses elected be exemplars of these values.” Dagdag pa ng PPCRV.
Nakatakdang pangunahan ni Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – incoming president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang unang serye ng novena mass ng PPCRV ganap na alas-sais ng gabi na maaring masubaybayan sa pamamagitan ng official Facebook page at Youtube channel ng PPCRV.