Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ligtas na pagbabalik sa paaralan

SHARE THE TRUTH

 205 total views

Mga Kapanalig, balik-klase na ang mga mag-aaral sa maraming paaralan ngayong linggo, ngunit hindi pa rin sila balik-paaralan. Isa ang Pilipinas sa limang bansang walang in-person o face-to-face classes mula noong nagsimula ang pandemya. Kasama natin ang Bangladesh, Kuwait, Saudi Arabia, at Venezuela. Ngunit ang iba sa mga ito ay magsisimula na ring magkaroon ng face-to-face classes bago matapos ang kasalukuyang buwan.

Nakailang-tangka na rin ang Department of Education (o DepEd) na magsagawa ng tinatawag na pilot run ng face-to-face classes, ngunit ilang beses rin itong hindi sinang-ayunan ni Pangulong Duterte. Ngayong buwan, nagmungkahi muli ang DepEd na magsagawa ng pilot run sa 120 na paaralan sa mga lugar na itinuturing na low-risk sa COVID-19. Tinatapos pa raw ng DepEd at Department of Health (o DOH) ang isang joint issuance na naglalaman ng patnubay sa pagsasagawa ng face-to-face classes sakaling sang-ayunan ito ng presidente. Ilan sa mga nilalaman nito ay ang mga kinakailangan upang tiyaking ligtas ang mga bata sa paaralan. Kasama sa mga ito ang pagkakaroon ng sapat na mga pasilidad at espasyo upang masunod ang physical distancing.

Hindi biro ang epekto ng distance learning sa mga kabataang Pilipino. Dahil sa paglipat sa online at modular learning, naging limitado ang pagkatuto ng mga bata. Mas nakatutok sila sa kanilang mga gadgets o modules, at hindi sila nagkakaroon ng makahulugang pakikisalamuha sa kanilang mga guro at kapwa bata. Malaki rin ang tinatayang mawawala sa productivity ng ating bansa dahil sa kakulangan ng ating kahandaan pag-aaral sa ilalim ng new normal. Ayon sa National Economic and Development Authority (o NEDA), aabot sa 11 trilyong piso ang mawawala sa ating bansa sa bawat taon na walang face-to-face classes sa susunod na 40 taon. Dahil nalilimitahan ang pagkatuto ng mga bata, malaki ang epekto nito sa kanilang buhay, lalo na sa kanilang pagtanda at pagiging produktibong bahagi ng labor force ng bansa.

Maraming aral na matutunanan sa mga hakbang na ginawa ng ibang bansang nagbukas na muli ng kanilang mga paaralan. Sa Indonesia, halimbawa, kung saan nagkaroon din ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19, unti-unti nilang binuksan ang mga paaralan sa pamamagitan ng paglalabas ng mga patnubay sa mga paaralan. Binigyan din nila ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na magdesisyon. Sa China, Mexico, at Vietnam, nagsimula sila sa mga low-risk areas. Sa mga batang nasa early grades naman nagsimula ang Sweden at Denmark, at sa senior high school naman sa Singapore. Nariyan rin ang classroom bubbles na istratehiyang ipinatutupad ng United Kingdom at Canada kung saan nilimitahan nila ang interkasyon ng mga bata at nagkaroon ng panandaliang pagsasara ng eskuwelahan kung magkaroon ng hawahan.

Maaaring hindi natin maisip noong nakaraang taon ang pagbubukas muli ng mga paaralan, ngunit ang patuloy na pagsasara ng mga ito ay may dalang panganib sa kinabukasan ng ating bansa at sa pagkatuto ng mga bata. Naniniwala ang ating Santa Iglesia na ang layunin ng pag-aaral o edukasyon ay ang paghubog sa mga tao tungo sa kanilang pansariling paglago at sa kabutihan ng kanyang lipunan. Sabi nga ni Pope Paul VI sa Gravissimum Educationis, kinakailangan nating bigyan ang bawat bata ng pagkakataong umunlad—pisikal man, moral, at intelektwal—dahil ito ay kanilang karapatang nakaugat sa kanilang dignidad bilang tao. Sinasabi pa nga sa Mga Kawikaan 9:9: “matalino’y turuan mo’t lalo siyang tatalino.”

Mga Kapanalig, kinakailangan nang pag-isipan, pag-aralan, at planuhing mabuti ng pambansa at mga lokal na pamahalaan ang pagbubukas muli ng mga paaralan. Prayoridad pa rin natin ang kaligtasan ng mga bata sa COVID-19, ngunit baka hindi na natin makakaya pang isakripisyo ang pag-aaral ng kabataang Pilipino.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BAYANIHAN

 2,721 total views

 2,721 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 26,166 total views

 26,166 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Pagtigil sa mother tongue-based education

 42,928 total views

 42,928 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 55,987 total views

 55,987 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »

Mga bunga ng ating paglimot

 54,050 total views

 54,050 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 2,722 total views

 2,722 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 26,167 total views

 26,167 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 42,929 total views

 42,929 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 55,988 total views

 55,988 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 54,051 total views

 54,051 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 69,133 total views

 69,133 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 66,226 total views

 66,226 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 76,728 total views

 76,728 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 91,801 total views

 91,801 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 97,765 total views

 97,765 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 101,912 total views

 101,912 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 111,187 total views

 111,187 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 55,294 total views

 55,294 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 53,539 total views

 53,539 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 103,847 total views

 103,847 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top