508 total views
Nakikiisa ang Diyosesis ng Urdaneta, Pangasinan sa pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon bilang pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.
Ayon kay Urdaneta Bishop Jacinto Jose, ang bawat tao ay mga manlalakbay dito sa mundo kung saan ang mga iniiwang bakas ang sumisimbolo sa mga kanilang ginagawa sa kalikasan.
Ipinaliwanag ng Obispo na nararapat lamang na mag-iwan ng mga bakas ang bawat isa na nagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa ating inang kalikasan para sa kapakanan ng mga susunod pang henerasyon.
“We are all travelers on this Earth. The earth is our current home and it’s the only thing we have. Heaven is our final home. We leave our footprints as we walk on earth. The next generation will come after us! What are we going to leave them when we do not take care of it? It is our task to make our earth a heaven for those we love,” mensahe ni Bishop Jose mula sa panayam ng Radio Veritas.
Noong nakaraang Marso nang kasalukuyang taon ay ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau ang pagpapasara sa isang sanitary landfill sa Urdaneta City, Pangasinan.
Ito’y dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1586 o Philippine Environmental Impact Statement, Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act at Clean Water Act.
Ang mga programang isasagawa ngayong linggo kaugnay sa pagdiriwang ng Season of Creation.
Matutunghayan ang mga gawaing ito sa mga facebook page ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines National Laudato Si’ Program, Laudato Si’ Movement Pilipinas at Veritas846.ph.
Tema ngayong taon ng Panahon ng Paglikha ang ‘A Home for All? Renewing the Oikos of God’, na isasagawa sa buong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre 10 upang ipagdiwang ang Indigenous People’s Sunday.