350 total views
Nangangailangan ng 150 milyong piso ang Caritas Manila Youth Servant Leaders and Education Program para tustusan ang pangangailangan ng may 5,000 college scholars ng Simbahan.
Ito ang pahayag ni Rev. Fr. Anton CT. Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas, sa ginanap na Caritas YSLEP 2021 Campaign Telethon kung saan target na makapangalap ng P10 milyong piso.
Ito ay upang patuloy na matustusan ang pangangailangan ng mga benepisyaryo na tumatanggap ng P30 libong bawat scholar kada taon.
“Ngayon kahit may pandemic, people become more generous even this time so we try to maximize it para lalo tayong maraming batang mapag-aral. Sapagkat we believe that education is the great social equalizer if we want to overcome poverty, we have to educate as many youth as we can with knowledge skills and attitude of a servant like the Lord,” ayon kay Fr. Pascual.
Bukod sa ‘telethon’, kabilang din sa programang benepisyaryo ng mga scholars ang Segunda Mana Charity Store na nakakalikom ng kalahating milyong piso kada buwan sa pamamagitan ng online selling.
Nursing, Agriculture and Education Scholars
“At ngayon because of COVID, tumaas ang need na magkaroon na tayo ng mga bagong nurses. Dati napakaming nurses, pero ngayon kausap ko ang mga hospitals, talagang kulang na kulang sila ng mga nurses at medtech. Kaya nagdagdag tayo ng scholars sa nursing and of course teacher. Education is still number one napakagandang kurso, mataas ang dignity and maganda ang suweldo lalu na sa provinces. Ito ang mga courses na priority natin,” ayon kay Fr. Pascual.
Ito ang inihayag ni Caritas Manila Executive Director, Fr. Anton CT. Pascual, sa panayam ng Radio Veritas sa ginanap na YSLEP 2021 Campaign Telethon.
Ayon sa Pari, ito ang isa sa bibigyang tuon ng Simbahan lalo’t kulang sa mga medical workers ang bansa tulad ng mga nurses.
Bukod sa Nursing, kaiblang din sa bibigyang pagkakataon ng simbahan ang mga mag-aaral na nais na kumuha ng Education at maging sa agricultural sector.
Sa kasalukuyan ay may limang libong college scholoars ang YSLEP hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa Visayas at Mindanao.
Si Nurhasma Tajakkalin mula sa Basilan ay inaahang magtatapos ng BS Elementary Education sa susunod na taon.
Sa pinakahuling tala, umaabot na sa 8,033 ang nakapagtapos sa ilalom ng YSLEP kabilang na ang 334 mag-aaral na nagsipagtapos noong nakaraang taon sa kabila ng pandemya.