411 total views
Ang pagsasawalang bahala sa mga nagaganap na karahasan, katiwalian, kasinungalingan, kawalan ng katarungan at maging mga masasamang salita sa harapan ng publiko ay maituturing na pagtataksil sa bayan.
Ito ang bahagi ng talumpati ni Malolos Bishop Dennis Villarojo sa naganap na Philippines’ Virtual Conference on the Eucharist noong ika-11 ng Setyembre, 2021.
Ayon sa Obispo, ang pagsasawalang bahala sa mga maling nagaganap sa lipunan at hindi pagpapanagot sa mga nagkasalang mga opisyal ng bayan ay nagbibigay ng karapatan sa mga ito na hindi igalang ang taumbayan na nagdudulot rin ng culture of impunity sa lipunan.
“When we tolerate large scale murder among us, we also tolerate treason — yung pagtataksil sa bayan, corruption, deceit, manipulation, and foul language thrown at our face. When we no longer demand accountability, those accountable lose their respect for us and proceed to do whatever they want with impunity.” Ang bahagi ng talumpati Malolos Bishop Dennis Villarojo.
Tema ng talk ni Bishop Villarojo ang “What is Political must also be Moral” kung saan partikular na tinukoy ng Obispo ang dapat na mariing paninindigan ng mamamayan lsa kung ano ang tama laban sa mga maling nagaganap sa lipunan.
Kabilang sa mga pinuna ni Bishop Villarojo ang hindi katanggap-tanggap na konsepto ng pagkitil sa buhay ng mga kriminal o pinaghihinalaang lumabag sa batas upang makamit ang kapayapaan sa lipunan.
Paliwanag ng Obispo, ang pagsang-ayon at pagsuporta sa konsepto ito ay maituturing na pagkawala sa moral conscience ng isang mamamayan mula sa mga karahasan at kasamaan.
“We cannot, for example, kill suspected criminals so that we may attain peace in our communities. We cannot allow hatred to rob us of our souls. But these factors are tolerated and even approved by many of our people, is a clear indictment of the kind of Christians we have become. When we have given approval to these kind of evil in our midst, we’ve also lost our moral conscience to resist whatever the perpetrators of these crimes may force upon us.” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.
Bukod dito, pinuna rin ng Obispo ang patuloy na isinusulong ng mga mambabatas na Absolute Divorce Bill gamit ang layunin na maprotektahan ang karapatan ng mga kababaihan laban sa mga pag-aabuso.
Giit ng Bishop Villarojo, hindi maaring ihiwalay ang usaping pulitikal at moral kung saan hindi dapat na magpalinlang ang taumbayan sa layunin ng naturang panukalang batas na magdudulot lamang ng pagkasira ng pamilya.
Paliwanag ng Obispo, mayroon ng mga kasalukuyang batas na layuning protektahan ang mga kababaihan laban sa domestic violence na kinakailangan lamang ganap na maipatupad sa halip na tuluyang buwain ang kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya.
“Every political choice is at once a moral one. None more so in the context of the political situation of our country, already bills have been filed to change the moral values of our nation. There is the proposal to undercut the sanctity of marriage supposedly to protect women’s rights even if laws already exist, protecting women from domestic violence and providing remedy for marriages that ought never to have been contracted.” Ayon pa kay Bishop Villarojo.
Paalala ng Obispo, “If the Eucharist is a mode of being that passes from Jesus into us, let us not be enablers of those who have no respect for human life; of those who have no respect at all for anyone, alive or dead; those who malign even the dead and kill the living.”
Ang naganap na Philippines’ Virtual Conference on the Eucharist ay bahagi ng local celebration ng bansa sa 52nd International Eucharistic Congress na naganap sa Budapest, Hungary.