348 total views
Nagpahayag ng suporta ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa desisyon ng Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court (ICC) na pormal ng simulan ang imbestigasyon sa mga kaso ng crimes against humanity na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm – Chairperson of the Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ay ibinahagi ng Pari na maituturing na isang hakbang ang naturang imbestigasyon ng ICC upang maparusahan at mapanagot ang mga nasa likod ng karahasan at mga serye ng pagpasalang sa bansa.
Ayon kay Fr. Buenafe na siya ring Co-Executive Secretary ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) ang desisyon ng Pre-Trial Chamber ng ICC ay maituturing na isang sinag ng pag-asa lalo na para sa mga naiwang kapamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi sa war on drugs ng pamahalaan.
“We welcome the Pre-Trial Chamber of the ICC’s decision to move forward with its investigation. Finally, a crack in the shield of impunity. There is a ray of hope for the victims and their families. Perpetrators beware. We will hound you till justice is done.” Ang bahagi ng mensahe ni Fr. Christian Buenafe, O.Carm sa Radio Veritas.
Pagbabahagi ng Pari, sa kabila ng kadiliman at kalungkutan ay muli ng nasisilayan ng mga biktima at kanilang pamilya ang pag-asa upang makamit ang katarungan at mapanagot ang lahat ng mga nasa likod sa pagkamatay ng mahigit sa 30,000 indibidwal sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Una ng nagpahayag ng paghanga at pasasalamat si Fr. Buenafe kay former ICC Prosecutor Fatou Bensouda na nagsulong at humingi ng judicial authorization sa Pre-Trial Chamber ng ICC upang maimbestigahan ang war on drugs sa Pilipinas.
Muli namang tiniyak ng Task Force Detainees of the Philippines ang patuloy na pagsubaybay at pagbabantay sa imbestigasyon gayundin ang pananalangin upang tuluyan ng mawakasan ang karahasan sa bansa.