357 total views
Nanawagan ng panalangin ang pamunuan ng Archdiocese of Manila para sa agarang na kagalingan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na nagpositibo sa Covid-19.
Ayon sa inilabas na pahayag ni Fr. Reginald Malicdem, chancellor ng Manila Archdiocese, kasalukuyang naka-quarantine si Cardinal Advincula at nakakaranas ng bahagyang lagnat.
“Aside from a slight fever, he does not feel any symptoms. He is on his quarantine observing strict protocols,” ayon sa inilabas na pabatid na nilagdaan ni Fr. Malicdem.
“We appeal for your prayers for His Emminence and for all those who are sick with Covid-19.”
Kamakailan lamang ay pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa bilang pagpaparangal sa mga bayani ng pandemya kabilang na ang mga medical at service frontliners na ginanap sa San Felipe Neri Parish Mandaluyong.
Dahil dito, ipinagpaliban ng Cardinal ang mga nakatakdang gawain sa buong arkidiyosesis habang nagpapagaling ito sa karamdaman.
Matatandaang Mayo 2021 nang matanggap ng arsobispo ang kompletong dosage ng bakuna sa Capiz bago tumungo ng Maynila.
Ilan sa mga obispong dinapuan ng COVID-19 sina Cardinal Luis Antonio Tagle, Archbishop Jose Palma, Archbishop Florentino Lavarias, at Bishop Broderick Pabillo.