415 total views
Palalawigin ng Pag-IBIG Fund ang mga programa ng institusyon na makatutulong sa mga miyembro nitong labis naapektuhan ng pandaigdigang krisis pangkalusugan.
Ayon kay Pag-IBIG Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo Del Rosario mas pinabuti nito ang mga programang tumugon sa pangangailangan ng mga kasapi ng institusyon.
“This year, we are lengthening the term of our cash loans from two years to three years to give borrowers more time to pay off their loans, and more importantly, to make its monthly payments lower,” bahagi ng pahayag ni Del Rosario.
Matatandaang noong 2020 naglunsad ng iba’t ibang programa ang Pag-IBIG Fund tulad ng pagpapalawig sa mga bayarin alinsunod na rin sa ipinatupad na Bayanihan Laws ng pamahalaan.
Ilan sa mga programa ang Multi-Purpose Loan (MPL) at Calamity Loan naman para sa mga lugar na napinsala ng mga kalamidad.
Sa nasabing programa makakahiram ng hanggang 80 porsyento sa total Pag-IBIG Regular Savings ang kasapi upang magamit sa kani-kanilang pangangailangan.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti sa bagong programa ng institusyon mula sa dalawang taong palugit sa pagbabayad ng cash loans pinalawig ito hanggang 36 buwan o tatlong taon upang mabigyang sapat na panahon ang mga miyembro na mabayaran ang pagkakautang.
“Our members have the option to extend the term to 36 months. By choosing the longer payment period, members can enjoy significantly lower monthly payments,” ani Moti.
Dahil dito bumaba ng hanggang 28 porsyento ang monthly payment ng mga miyembro para sa MPL habang 31 porsyento naman ang ibinaba sa Calamity Loan.
Tiniyak ni Moti na patuloy gumagawa ng hakbang ang Pag-IBIG Fund upang matulungan ang mga miyembro lalo ngayong pandemya.
Sa tala nasa 25.42 billion pesos ang inilabas na pondo ng Pag-IBIG Fund mula Enero hanggang Hulyo kung saan nasa 1.1 milyong miyembro ang nakinabang sa pamamagitan ng cash loans.
“We are poised to help more members in the coming months, now that the extended payment term has made our cash loans even more affordable. We also made the process of applying for loans safer and more convenient by accepting loan applications online via the Virtual Pag-IBIG. This is Lingkod Pag-IBIG at work, especially when members need us most,” giit pa ni Moti.