392 total views
Nagpahayag ng pakikiisa ang Commission on Human Rights sa pananawagan sa Commission on Elections upang palawigin pa ang voters registration sa bansa.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, kaisa ng iba’t ibang organisasyon at mga sektor sa lipunan ang CHR sa panawaganna palawigin pa ang voters registration na magtatapos na sa ika-30 ng Setyembre, 2021.
Paliwanag ni Atty. De Guia, dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19 virus sa bansa ay naging limitado lamang ang pagkakataon ng mamamayan upang makapagparehistro.
“The ongoing implementation of enhanced community quarantine (ECQ) and modified ECQ in many locations around the country due to Covid-19 puts a lot of toll and delays in the whole voter registration process in the country. Together with the Senate, Congress, and other civil society organisations, the Commission on Human Rights (CHR) joins the call to extend the deadline of voter registration in the Philippines.” Ang bahagi ng pahayag ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia.
Pagbabahagi ni Atty. De Guia, bagamat batid ng kumisyon na posibleng makaapekto sa paghahanda ng COMELEC para sa 2022 National and Local Elections ang pagpapalawig ng voters registration ay mahalaga na mabigyan ng pagkakataon ang lahat na eligible voters na makapagparehistro upang makalahok sa nakatakdang halalan.
Giit ni Atty. De Guia, dapat na ikonsidera din ang mga limitasyon na dulot ng pandemya na pangunahing dahilan ng mamamayan upang hindi magkapagparehistro sa tamang panahon.
“While we recognise that the proposed extension may further delay the preparatory activities of the Commission on Election (COMELEC) to ensure the smooth conduct of the automated elections in May 2022, the CHR asserts that eligible voters must be given the opportunity to register safely and to avoid any case of voter disenfranchisement. Given the current health and economic crises that we are confronted with, reasonable accommodations must be provided for individuals that experience difficulty in lodging their applications.” Dagdag pa ni Atty. De Guia.
Kinilala at pinuri naman ng CHR ang mga inisyatibo ng COMELEC upang matiyak ang patuloy na ligtas na pagpaparehistro ng mga botante kabilang na ang pagkakaroon ng mga satellite registration centres sa shopping malls; pagpapalawig ng oras ng pagpaparehistro; at pagpapadali ng proseso para sa reactivation ng mga deactivated voters.
Sa kabila nito, umaasa ang kumisyon na ikonsidera ng COMELEC ang pagpapalawig pa ng kahit isang buwan sa kasalukuyag voters registration.
“the Commission [] believes that the Comelec could do more by extending the deadline of voter registration for at least a month after the 30 September 2021 deadline. It would encourage people to register and would enable them to fully exercise their constitutionally-recognised fundamental right to suffrage and political participation.” Ayon pa kay Atty. De Guia.
Una ng nanindigan ang COMELEC na hindi na palalawigin pa ang nakatakdang deadline ng voters registration sa ika-30 ng Setyembre, 2021 kung saan tinatayang umabot na sa mahigit 61-milyon na ang kasalukuyang bilang ng mga rehistradong botante.