Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakinggan ang mga medical frontliners

SHARE THE TRUTH

 178 total views

Mga Kapanalig, sa pagpasok ng buwang ito, umabot na sa dalawang milyon ang mga kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Halos dalawang linggo na ang nakararaan nang may mahigit 26,000 bagong kaso ang naitala sa loob lamang ng isang araw. Patuloy pa itong nadadagdagan, pati ang bilang ng mga nasasawi dulot ng delubyong ito. Sa kabila ng pagtindi ng ating laban sa COVID-19, patuloy naman ang tila pagsasantabi sa boses at halaga ng ating mga medical frontliners.

Nakita natin ito sa isang video ng tagapagsalita ni Pangulong Duterte na si Secretary Harry Roque. Ang video ay mula sa miting ng COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kung saan tinututulan ng grupo ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians, ang planong granular lockdowns ng pamahalaan. Sa video, galit na sinabi ni Secretary Roque na hindi lamang ang mga medical frontliners ang may pakialam sa kalusugan ng taumbayan. Para sa kanya, boses siya ng mga wala nang makain dahil sa mga lockdown. Kinuwestiyon din niya ang puro negatibong komento ng grupo nina Dr. Limpin sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.

Para kay Dr. Limpin, sinabi lamang niya sa miting ang malubhang estado ng healthcare system  sa bansa. Nanawagan siya para sa isang mapanuring hakbang sa pagtatalaga ng quarantine levels. Tanong pa ng doktor, kung kaya ni Secretary Roque na sermonan ang mga doktor, paano pa ang karaniwang tao? Humingi na ng paumanhin ang kalihim para sa kanyang iniasal pero hindi niya binawi ang masasakit niyang mga salita.

Sana ay hindi indikasyon ang inasal ni Secretary Roque ng pagpapahalaga ng ating pamahalaan sa ating medical frontliners. Una sa lahat, naroon si Dr. Limpin bilang isang eksperto bilang kinatawan ng mga totoong sundalo natin sa giyera laban sa COVID-19. Ngunit paano siya tinrato? Pangalawa, sa gitna ng mga balitang kailangan na raw mag-diaper nang ilang nars sa General Santos City para makatipid sa personal protective equipment, bakit patuloy ang tila pagtatakip ng administrasyon sa mga alegasyon ng katiwalian sa DOH? Kung nagamit lamang nang tama ang pondo ng ahensya, hindi tayo magkakaproblema sa supply ng PPE. Panghuli, maaaring ibalik kay Secretary Roque ang tanong niya kay Dr. Limpin: sa tingin ba niya ay walang pakialam ang mga medical frontliners sa dami ng nagugutom dahil sa lockdown? Hindi ba maisasalba lamang ang mga trabaho at mapapakain ang mga taong nagugutom kung maayos ang kanilang kalusugan at tuluyang matatapos ang pandemya?

Naniniwala ang mga panlipunang turo ng Simbahang ang halaga ng paggawa ay batay sa dignidad ng gumagawa o ng taong nilikha ng Maykapal. Ang paggawa ay instrumento upang mabuhay o kumita ang tao nang makapag-ambag siya sa kanyang lipunang ginagalawan, at ito ang ginagawa ng ating mga medical frontliners. Sa tuwing isinasantabi ang boses ng mga manggagawa, nagiging hadlang ang lipunang ito sa pagsasakatuparan sa magandang plano ng Diyos sa paggawa ng tao.

Binibigyang-diin din ng mga turo ng Simbahan ang mahalagang tungkulin ng pamahalaan na tiyaking maayos ang kalagayan ng mga manggagawang katulad ng mga nagtatrabaho sa mga ospital. Kaya naman, hindi katanggap-tanggap ang pagsalitaan nang masakit ang ating mga medical frontliners. Sana ay pinakinggan ang kanilang mga hinaing at pinag-aralan ang kanilang mga mungkahi.

Mga Kapanalig,  nawa’y baunin ng ating mga opisyal sa pamahalaan ang paalala mula sa Santiago 1:19: “Ang bawat tao ay dapat na maging mabilis sa pakikinig, marahan sa pagsasalita, mabagal sa pagkagalit.” Sa nagpapatuloy na krisis sa pampublikong kalusugan, makinig tayo sa mga medical frontliners na patuloy na nagbabahagi ng kanilang panahon at lakas. Suporta ang kailangan nila, hindi galit at pambabastos.

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 46,351 total views

 46,351 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 57,426 total views

 57,426 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 63,759 total views

 63,759 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 68,373 total views

 68,373 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 69,934 total views

 69,934 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 46,352 total views

 46,352 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 57,427 total views

 57,427 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 63,760 total views

 63,760 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 68,374 total views

 68,374 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 69,935 total views

 69,935 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,213 total views

 44,213 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,874 total views

 66,874 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,450 total views

 72,450 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,931 total views

 77,931 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,044 total views

 89,044 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,043 total views

 85,043 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,745 total views

 72,745 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,227 total views

 81,227 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,286 total views

 74,286 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,210 total views

 81,210 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top