1,948 total views
Nakiisa si Batanes Bishop Danilo Ulep sa mamamayan ng lalawigan na lubhang naapektuhan ng kalamidad at ng mabilis na pagkalat ng coronavirus sa lugar.
Bilang pastol ng simbahan labis na nakibahagi ito sa naranasan ng kanyang kawan lalo’t takot at pangamba ang idinudulot ng COVID-19 sa mamamayan.
“As Your Shepherd, I share the pain of those who were directly affected by the typhoon especially those who lost their home and property. Likewise, I also feel the anguish and fear of those who are presently infected with the virus. I feel for their struggle in trying to fight off this disease,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ulep.
Tiniyak ng obispo ang panalangin para sa katatagan ng mamamayan na humaharap sa mga pagsubok sa gitna ng pandemyang naranasan ng buong daigdig.
“As I assure you of my prayers, I enjoin you all to remain steadfast in your faith and trust in God,” ani ng obispo.
Batay sa ulat ng lokal na pamahalaan ng Batanes mahigit sa 100 indibidwal ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Batanes sa loob lamang ng limang araw dahilan upang isailalim sa pinakamahigpit na panuntunan ang buong lalawigan mula September 20 hanggang October 4.
Umabot naman sa mahigit anim na libong indibidwal sa Batanes ang nabakunahan laban sa nakahahawang virus kung saan malapit nang maabot ang 70 porsyentong target na 9, 800 residente ng lalawigan.
Hinimok ni Bishop Ulep ang mamamayan na ipakita ang katatagan sa magkasunod na pagsubok sa tulong ng Panginoon.
“Let us turn these twin misfortunes into an opportunity to show once more our resilience, bayanihan spirit, courage and our selflessness in the face of such misfortune or tragedy, By the grace of God, these too will come to pass. Let us remain hopeful that we shall be able to weather these storms that came our way,” giit ni Bishop Ulep.
Paalala nito sa mamamayan na mahigpit sundin ang itinalagang safety health protocol at makipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang mapigilan ang mas malawak pang paglaganap ng hawaan sa buong isla