366 total views
Mariing nanindigan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas laban sa ginawang pag-apruba ng House Committee on Population and Family Relations sa Absolute Divorce Bill na inaasahan ring ipapasa sa plenary meeting ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa opisyal na pahayag ng implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity ay mariing iginiit ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Roquel Ponte ang paninindigan ng Simbahan laban sa tangkang pagpapahina at pagbuwag sa pundasyon ng pagpapamilya sa pamamagitan ng pagsasabatas ng divorce law sa bansa.
“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas strongly opposes the approval of the bill instituting absolute divorce as an alternative mode for the dissolution of marriage in the Philippines by the House Committee on Population and Family Relations last August 17, 2021.” Ponte.
Ipinaliwanag ni Ponte na malinaw na nasasaad sa 1987 Philippine Constitution ang dapat na pagpapahalaga, pagpapatatag at pagbibigay proteksyon sa kasagraduhan ng kasal at pamilya sa bansa.
Kaugnay nito, muli ring isinapubliko ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang nauna ng pahayag ng paninindigan ng organisasyon laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas noong February 3, 2020 na mayroong titulong “Marriage and Family is a Gift”.
“The 1987 Philippine Constitution clearly, plainly and with no trace of any ambiguity established and institutionalized the sanctity of marriage and its inviolability and has mandated the state with the words “shall” to defend it.” Dagdag pa ni Ponte.
Una ng binigyang diin ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na siyang chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na ang sakramento ng kasal ay hindi lamang isang malalim na tanda o kahulugan ng pagsasama ng mag-asawa sa halip ay nagbibihay ng katangi-tanging grasya o biyaya ng Diyos upang magampanan ng mag-asawa ang kanilang tungkulin sa pamilya.
Matatandaang iginiit ng CBCP na hindi solusyon sa mga problema at hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa ang paghihiwalay o diborsyo na siyang magpapahina sa pundasyon ng pagkatao ng mga batang mayroong magkahiwalay na magulang.
Attached: MARRIAGE AND FAMILY IS A GIFT (Our Stand Against Divorce) Statement