401 total views
Muling nagbabala ang pamunuan ng Congregation of the Religious of the Virgin Mary o RVM Sisters laban sa mga mapagsamantalang ginagamit ang pangalan ng kongregasyon upang makapangalap ng pondo.
Ayon kay RVM Sister Ma. Anicia Co, tagapagsalita ng kongregasyon na mas makabubuting makipag-ugnayan sa RVM Secretariat upang matiyak na tama ang mga impormasyong makukuha para sa mga nais na tumulong.
“We advise the public to contact the secretariat through the telephone numbers… The info will be given to those who actually contact us,” pahayag ni Sister Co sa panayam ng Radio Veritas.
Nagpapasalamat naman ang RVM Sisters sa mga patuloy na nag-aalay ng panalangin at suporta bilang tulong sa mga madre at tauhan ng kumbento na kasalukuyan pa ring nagpapagaling mula sa COVID-19.
“The RVM Sisters are deeply grateful for the prayers, support, and assistance received following the lockdown of the Quezon City convent since September 15 due to COVID-19 infection,” ayon sa pahayag ng RVM Sisters.
Sa mga nagnanais magpahatid ng tulong para sa mga naapektuhan ng COVID-19 sa loob ng kumbento, tawagan lamang ang RVM Secretariat sa mga numerong (02) 8723-4414 o sa 0920-418-1981.
Samantala, nakasaad din sa inilabas na pahayag ng RVM Sisters na 50 sa 52 nag-positibong lay personnel ang malapit nang gumaling mula sa COVID-19.
Habang sa mga nag-positibo ring 62 RVM Sisters, dalawa na rito ang fully recovered, 38 ang nakakaranas pa rin ng mild to moderate symptoms, at 13 madre naman ang may severe symptoms.
Umabot na rin sa kabuuang bilang na siyam ang mga nasawing RVM Sisters matapos na masawi ang isa pang madre dulot ng komplikasyon mula sa COVID-19.
“Nine (9) Sisters have passed away, all in the age range of 79 to 98 years, and with comorbidities,” ayon sa pahayag.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang kongregasyon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU) upang mabantayan ang sitwasyon ng mga nasa loob ng kumbento.
Maliban sa mga panalangin at suporta, hinihiling din ng RVM Sisters ang pang-unawa sa pagiging pribado ng mga ito upang mas mapagtuunan ang tuluyang paggaling ng mga apektadong madre at lay personnel.
“While we understand the continued interest in the cases and appreciate this as concern for the entire Congregation we also hope for understanding and consideration in our request for privacy for the affected Sisters and staff, and enable us to focus time and attention on their complete healing and full recovery,” saad ng RVM Sisters.(