369 total views
Inihayag ng migrant’s ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nararapat kilalanin ang sakripisyo ng mga Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng komisyon ito ang sentro ng pagdiriwang ng simbahan sa National Migrants Sunday ang magbigay parangal sa lahat ng mga migrante at OFW na nagsusumikap para sa kinabukasan ng bawat pamilya.
“As we celebrate National Migrants Sunday (NMS) it is most opportune time to appreciate the sacrifices and services of our OFWs. They build up their families as to make them stable and secured for the future, and successful in life,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Binigyang diin ni Bishop Santos ang ambag ng mga OFW sa paglago ng ekonomiya na batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa unang bahagi ng 2021, umaabot sa dalawang bilyong dolyar ang OFW remittance o katumbas sa 13 porsyentong pagtaas kumpara sa nakalipas na taon.
Sa pamamagitan din ng mga OFW mas naibahagi sa buong dagidig ang kaugalian ng mga Filipino at higit sa lahat ang pakikiisa sa misyon ng simbahan.
“Also, they make our economy moving and showing the true characters of Filipinos as helpful, honest and hardworking,” ani Bishop Santos.
Sa September 26 gugunitain ang 35th National Migrants Sunday kasabay ang 107th World Migrants and Refugees kung saan puspusan na ang paghahanda ng iba’t ibang diocesan migrant’s ministry ng mga programa bilang pagkilala sa mga migrante at OFW.
Hinimok ni Bishop Santos ang mamamayan na ipalanangin ang mga mahigit sampung milyong Filipino sa ibayong dagat na nagsasakripisyo alang-alang sa kapakanan ng mga mahal sa buhay.
“Let us accompany them in struggles as to protect and promote their rights and dignity. Lastly is to make available our resources to assist and help those whom they left behind,” ayon pa sa opisyal.
Una nang kinilala ng Kanyang Kabalanan Francisco ang mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa pagiging katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng misyon sa iba’t ibang mga larangang pinagtatrabahuan.
Dalangin naman ng migrant’s ministry ng simbahan ang kaligtasan at kalakasan ng bawat OFW lalo ngayong nahaharap ang buong daigdig sa krisis pangkalusugan.