Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bahagi ng pananampalataya ng mga Kristiyano’t Katoliko ang pakikilahok at pakikisangkot sa usapin ng pulitika sa bansa.

SHARE THE TRUTH

 773 total views

Ito ang nilinaw ni Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kaugnay sa inorganisa ng Council of the Laity ng diyosesis na National Laity Week Conference on Social Transformation through Civil and Political Involvement bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Laity Week ngayong taon.

Ayon sa Obispo na siya ring incoming president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hindi dapat umiwas ang mga layko sa pagkakaroon ng political involvement sapagkat bahagi ito ng buhay panlipunan ng bawat isa na kaakibat rin ng pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan.

Paliwanag ni Bishop David, hindi dapat ituring na masama ang pulitika sapagkat tanging ang ilang mga sakim na pulitiko lamang ang sumisira sa tunay na diwa nito na dapat na pagtutok at pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng common good o mas nakararami.

“Bahagi ng ating pananampalataya ang pulitika and I am glad ngayon ay hayagan na nating ini-encourage talaga ang political involvement, mali na umiwas sa usaping pulitika dahil bahagi ito ng ating buhay panlipunan, kung meron tayong malasakit sa ating bayan. We should never equate politics with bad politics kasi kapag ganyan ang attitude natin aba talaga magdi-deteriorate ang pulitika ng ating bansa kaya tayo nagiging involve precisely because gusto nating itaguyod ang good politics or the politics of the common good.”pahayag
ni Bishop David.

Pagbabahagi ng Obispo, naaangkop na pagnilayan ng bawat layko ang kahalagahan ng boto na maituturing na tulad ng panata ng bawat mananampalataya para sa bayan na nasasaad sa titulo ng naganap na online conference na “Ang mga Panata Bilang Pamukaw ng Diwa ng Kristiyanong Pilipino: Mga Gabay sa Darating na Halalan 2022”.

Iginiit ni Bishop David na ang boto ay dapat na ituring ng mga layko na panata o debosyon para sa bayan na nangangahulugan ng pagiging tapat at pag-ibig hindi lamang para sa Diyos at para sa bayan kundi maging para sa kalikasan at sa kapwa.

“Ang boto ay panata at ang panata para sa Pilipino ay debosyon at ang debosyon ang ibig sabihin nito ay pag-ibig diba kaya devoted to you, ibig sabihin gawin itong pahayag ng pag-ibig, pag-ibig sa Diyos, pag-ibig sa bayan, malasakit sa kalikasan, malasakit sa ating kapwa kasi ang problemang nakikita ko ay kung mayroong tamang panata, mayroon ding maling panata.” Dagdag pa ni Bishop David.

Sa kabila nito, nilinaw ng Obispo na dapat na maging mapanuri ang bawat isa sa pagkilatis ng tamang pamamanata upang hindi malinlang sa pamamanata sa mga kampon ni satanas na mapagpangap at mapaglinlang.

Paalala ni Bishop David, “mag-ingat tayo hindi bawat panata ay tama, mayroon ding mga maling panata, mayroon ding mga namamanata sa mga kampon ni satanas pakatandaan po ninyo yun mga panatiko sila, mga namamanata sa mga kampon ni satanas minsan mas panatiko pa nga sila, bukambibig din nila the same values tatawagin din nila ang sarili nila na maka-Diyos, maka-bayan, maka-kalikasan, maka-tao pero kailangang kilatisin dahil mapagpanggap si satanas.”

Tema ng pagdiriwang ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa National Laity Week ngayong taon ang “Celebrate as One in 2021: The Gift of Christianity, the Gift of Mission, the Gift of Unity”.

Layunin nito na pukawin ang aktibong partisipasyon ng mga layko sa mga usaping panlipunan kasabay ng patuloy na paggunita ng bansa sa ika-500 anibersaryo ng pananampalatayang Kristiyano sa bansa.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BAYANIHAN

 597 total views

 597 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 24,042 total views

 24,042 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Pagtigil sa mother tongue-based education

 40,804 total views

 40,804 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 53,863 total views

 53,863 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »

Mga bunga ng ating paglimot

 51,926 total views

 51,926 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Caceres, dumanas ng pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan

 556 total views

 556 total views Umapela ng tulong ang Arkidiyosesis ng Caceres para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, maituturing na pinakamalubhang pagbaha ang idinulot ng Bagyong Kristine sa lalawigan lalo na sa mabababang lugar sa Naga. Pagbabahagi ng Arsobispo, marami pa ring mga pamilya ang hindi makabalik

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Donation drive, inilunsad ng Bicol university

 1,016 total views

 1,016 total views Naglunsad ng donation drive ang official student publication ng Bicol University upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa The Bicol Universitarian, layunin ng kanilang inilunsad na donation drive na makapangalap ng sapat na pondo upang makatulong hindi

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

ANDUYOG, inilunsad ng Redemptorist Mission Community

 1,577 total views

 1,577 total views Naglunsad ang Redemptorist Legazpi Mission Community ng ‘ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response’ upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa kongregasyon, higit na kinakailangan ng mga apektadong mamamayan ang pagkain, bigas, malinis na inuming tubig, at hygiene

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Establisyemento, paaralan at simbahan sa Albay, binuksan para sa typhoon Kristine evacuees

 1,652 total views

 1,652 total views Nagbukas ang mga establisyemento, paaralan, unibersidad at Simbahan sa Diyosesis ng Legazpi sa Albay upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga nagsilikas na pamilya na apektado ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa inisyal na tala ng The Bicol Universitarian na official student publication ng Bicol University ay aabot sa mahigit 20 mga establisyemento, paaralan,

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pag-uwi ng labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon, ipinagpaliban

 2,114 total views

 2,114 total views Pansamantalang ipinagpaliban ang pagdating sa Diyosesis ng Sorsogon ng mga labi ni Sorsogon Bishop-Emeritus Arturo Bastes dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Una ng inihayag ng diyosesis ang nakatakdang pagdating ng mga labi ng dating punong pastol ngayong ika-23 o ika-24 ng Oktubre, 2024 bago pa ang pananalasa ng bagyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Maglingkod para sa kabutihan ng kapwa, paalala ni Bishop Dael sa 2025 midterm election candidates

 3,294 total views

 3,294 total views Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan. Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024. Ayon kay Bishop Dael, ang bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

5-political dynasties, pinapadiskwulipika ng ANIM sa COMELEC

 3,008 total views

 3,008 total views Naninindigan ang dalawang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ng wakasan ang patuloy na pag-iral ng political dynasty sa bansa. Bilang kapwa convenors ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ay pinangunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines at Vice President San Carlos Bishop Gerardo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamayang Pilipino, hinamong maghain ng disqualification case laban sa mga magkakamag-anak na kandidato

 3,337 total views

 3,337 total views Nanawagan ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) sa publiko na maghain ng Disqualification Case laban sa mga kaanak ng incumbent Congressmen, Governor o Mayor na kakandidato sa nakatakdang 2025 Midterm Elections upang palitan sa puesto ang mga kaanak na magtatapos na ang termino sa pwesto. Ayon kay ANIM Lead Lawyer for Anti-Dynasty Campaign

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Bastes, sumakabilang buhay sa edad na 80-anyos

 3,420 total views

 3,420 total views Pumanaw na sa edad na 80-taong gulang ang dating Obispo ng Diyosesis ng Sorsogon na si Bishop Emeritus Arturo Bastes ganap na alas-sais y medya ngayong umaga, ika-20 ng Oktubre, 2024. Ipinanganak noong April 1, 1944 sa Loboc, Bohol si Bishop Bastes ay naordinahang pari noong November 28, 1970 sa Society of the

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Si Hesus ang pundasyon ng PPCRV

 3,938 total views

 3,938 total views Inihayag ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) founding chairperson at former Ambassador Henrietta de Villa na si Hesus ang tunay na pundasyon at kampeon ng organisasyon. Ito ang pahayag ni De Villa sa paggunita ng PPCRV sa ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyon bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

QuadComm hearing sa EJK’s, binabantayan ng CHR

 4,561 total views

 4,561 total views Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsubaybay sa isinasagawang pagdinig ng House of Representatives’ Quad Committee (QuadComm) sa mga kaso ng extrajudicial killing (EJKs) sa kampanya laban sa ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Kabilabg sa sinusubaybayan ng komisyon ang mga testimonya at ebidensya na inilalabas sa pagdinig na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Gumaca, makikibahagi sa one million children praying the rosary

 4,785 total views

 4,785 total views Inihayag ng Diyosesis ng Gumaca ang pagdaragdag ng intensyon sa pakikibahagi ng diyosesis sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign. Sa pamamagitan ng liham sirkular ay inihayag ni Gumaca Diocesan Administrator Rev. Fr. Ramon Uriarte ang pagdaragdag ng intensyon ng pananalangin ng Santo Rosaryo para pagdating ng bagong Obispo ng diyosesis

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

ACN Philippines, umaapela ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 4,894 total views

 4,894 total views Inaanyayahan ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang mamamayan na makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign sa ika-18 ng Oktubre, 2024. Ayon kay ACN – Philippines Chairperson, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, iaalay ang sabay-sabay na pananalangin ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Philippine Jesuit Prison Service, nagbigay ng seminar sa mga kabataang PDL

 6,418 total views

 6,418 total views Puspusan ang isinasagawang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) upang magabayan at mabigyang pag-asa ang mga naligaw ng landas lalo’t higit ang mga kabataang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakamali sa buhay. Sa ilalim ng psycho-spiritual, at strengths-based initiative ng na Philippine Jesuit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS, simula ng paghahanda ng Archdiocese of Manila sa Jubilee year 2025

 6,723 total views

 6,723 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa paghahanda sa nakatakdang Jubilee Year 2025 ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Nobyembre 2024. Sa sirkular ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ay inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa pagbabahagi ng katesismo bilang paghahanda sa nakatakdang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top