487 total views
Nanawagan ang St. Paul University Manila laban sa kultura ng katiwalian na patuloy na lumalaganap sa bansa.
Sa isang opisyal na pahayag ibinahagi ng buong komunidad ng St. Paul University Manila mula sa mga mag-aaral, mga magulang, mga alumni, lay administrators and staff at Sisters of St. Paul Chartres ang mariing panawagan upang mawakasan na ang culture of corruption sa bansa.
“We at St. Paul University Manila community – Sisters of St. Paul of Chartres, lay administrators and staff, Senior High School, College, and Graduate School Students, alumni and parents – have come to realized that the time to speak is NOW.”bahagi ng opisyal na pahayag ng St. Paul University Manila.
Ayon sa pamunuan ng unibersidad, napapanahon na upang manindigan at magsalita ang bawat isa kaugnay sa mga maling nagaganap sa lipunan na isang tahasang pagsasantabi sa tunay na diwa ng pulitika at pagiging lingkod ng bayan.
Iginiit ng St. Paul University Manila na sa pamamagitan ng hayagang pagpuna sa mga maling nagaganap sa lipunan ay naipapaalala sa mga lingkod bayan ang kanilang tungkulin at obligasyon na paglingkuran ang mamamayan.
Paliwanag pa ng pamunuan ng unibersidad, maituturing na pagkikibahagi sa kawalan ng moral at pakialam sa bayan ang pananahimik o pagkikipit balikat sa mga maling nagaganap sa lipunan.
“It is time to raise our voices as one against the culture of corruption that has engulfed our hapless country and laid waste its God-given human and natural resources; against our leaders’ conscious forgetfulness of the obligation to look after the welfare of everyone most especially of those who do not have the capacity to help and defend themselves; against the cloak of apathy with which the vast majority blind themselves to the breakdown and decay of commondecency and not uncommon moral values.” Dagdag pa ng pamunuan ng unibersidad.
Partikular namang kinilala ng St. Paul University Manila ang pagsusumikap ng ilang mga mambabatas sa Senado na maisiwalat ang katiwalian sa maanumalyang paggastos ng Department of Health sa halos 67.32 billion pesos na COVID-19 fund na dapat ay para sa pagtugon sa krisis na dulot sa bansa ng pandemya.