Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nasayang na pagkakataon sa laban kontra Covid-19

SHARE THE TRUTH

 151 total views

Mga Kapanalig, tunay na nakapanghihina ng loob ang patuloy na pagdami ng mga nagpopositibo at namamatay sa Covid-19 mula nang kumalat ang mas nakahahawang Delta variant. Mabigat sa pusong malamang kabilang sa mga nagpositibo sa sakit ay ang mga relihiyosong nasa mga seminaryo at kumbento.

Ang Congregation of the Religious of the Virgin Mary ay nawalan ng walong madreng edad 80 pataas dahil sa Covid-19. Kabilang sila sa 62 madreng nagpositibo, hiwalay pa ang 52 staff at personnel na nahawa rin. Taliwas sa mga kumakalat na tsismis na ang outbreak ay bunga ang pagtanggi ng mga madreng magpabakuna, kumalat ang virus sa kumbento kahit pa karamihan sa mga madre at kawani ay nabakunahan na. Ang mga namatay na madre ay hindi pa nabakunahan dahil na rin sa kanilang karamdaman ngunit nakatakda pa rin silang bakunahan. Naunahan lamang sila ng nakamamatay na virus. Sinasabing nagmula ang virus sa isang bisitang asymptomatic.

Isa pang religious congregation na nakaranas ng pagdami ng kaso ng Covid-19 ay ang Holy Spirit Sisters. Umabot sa 22 ang mga kasong naitala sa Convent of the Holy Spirit—13 madre at 9 na staff members. Isa sa mga madre ang pumanaw. Pinaniniwalaan ding isang asymptomatic na bisita ang nakahawa sa mga madre.  Ini-lockdown din ang isang retirement home sa Christ the King Seminary dito sa Quezon City matapos magpositibo sa Covid-19 ang siyam na pari at 16 na kawani. Isang pari ang binawian ng buhay. Nagkaroon din ng outbreak sa Stella Maris Convent. Labintatlong madre ang nagpositibo sa swab test.

Maituturing na high-risk ang mga pasilidad na pinatatakbo ng religious congregations dahil sa mga ito nakatira ang mga may edad nang pari at madre. Kasabay ng tulong ng lokal na pamahalaan sa kanila, makatutulong din ang ating mga dasal para sa lubusang paggaling ng mga maysakit at para sa katatagan ng kanilang loob sa pagharap sa pagsubok na ito.

Nakadadagdag sa bigat sa kaloobang hatid ng mga pangyayaring ito ay ang mga balita pa rin tungkol sa hindi maayos na pangangasiwa ng pamahalaan sa pangkalusugang krisis na ito. Lumabas sa pagdinig sa Senado noong isang linggo na expired na ang halos 8,000 test kits na binili ng DOH. Aabot sa 550 milyong piso ang halaga ng mga ito. Magagamit sana ang mga test kits sa pagsasagawa ng mahigit 370,000 na Covid-19 tests. Malaking bagay iyon para maagapan ang pagkalat ng virus. Ilang buhay din ang maaaring naisalba ng mga tests na iyon kung nagamit bago ma-expire. Isa lamang ito sa mga masasabing pagpapabaya at pag-aaksaya ng mga taong pinagkatiwalaan nating tugunan ang pandemya.

Malapit na ang pangalawang Pasko na naka-lockdown pa rin ang maraming lugar sa bansa, nakasara pa rin ang mga paaralan at maraming negosyo, at balót pa rin tayo ng takot at pangamba. Ngunit gaya nga ng laging sinasabi ng inyong lingkod, “habang buhay may pag-asa.” At sana ay makaaninag tayo ng pag-asa mula sa ating mga pinuno. Sabi nga sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang pamahalaan ay ang pamamaraan ng lipunan upang kumilos nang magkakasama upang pangalagaan at itaguyod ang ating mga pinahahalagahan. Unang-una nating pinahahalagahan ang buhay ng tao, at ito rin sana ang tunay na prayoridad ng ating mga lider. Sa kasalukuyang pangkalusugang krisis na kinakaharap natin, buhay ng tao ang nakasalalay—buhay ng mga relihiyoso at laiko, buhay ng mga matatanda at bata, buhay ng nakaririwasa at dukha.

Mga Kapanalig, sa harap ng mga nakalulungkot at nakagagalit na mga balita, mapanghawakan sana natin ang mga Salita ng Diyos sa Roma 12:12: “Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian, at palaging manalangin.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,967 total views

 33,967 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 49,044 total views

 49,044 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 55,015 total views

 55,015 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 59,198 total views

 59,198 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 68,479 total views

 68,479 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,968 total views

 33,968 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 49,045 total views

 49,045 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 55,016 total views

 55,016 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 59,199 total views

 59,199 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 68,480 total views

 68,480 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 50,808 total views

 50,808 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 49,053 total views

 49,053 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 99,361 total views

 99,361 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 108,829 total views

 108,829 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 80,249 total views

 80,249 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 86,508 total views

 86,508 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 100,825 total views

 100,825 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 86,192 total views

 86,192 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 73,783 total views

 73,783 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 86,385 total views

 86,385 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top