Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Rural Health Doctors, umaalma na sa mahirap na kalagayan ngayong pandemya

SHARE THE TRUTH

 327 total views

Muling nanawagan sa pamahalaan ang grupo ng mga doktor upang mabigyang-pansin ang sitwasyon ng mga medical frontliners sa bansa hinggil sa patuloy na pag-iral ng coronavirus pandemic.

Sa ginanap na webinar na may paksang “Okay ka pa ba, Dok” na inilunsad ng grupong Community Medicine Practitioners and Advocates, Association (COMPASS), tinalakay dito ang iba’t ibang saloobin ng mga doktor mula sa mga lalawigan at mga pagsubok na kanilang patuloy na hinaharap kasabay ng pandemya.

Ayon kay Dr. Raul Ting ng Tuguegarao City, Cagayan, karamihan sa mga rural health units ay itinigil ang operasyon habang ang mga local health centers naman ay nakakaranas ng kakulangan sa mga testing kits, laboratory centers at mga kagamitan.

Dagdag pa ni Ting na nagreresulta ito ngayon sa pagbibitiw ng mga doktor kasabay ng patuloy na pagdami ng bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19.

Ipinaliwanag naman ni OB-GYN Dr. Tess Betonio na karamihan sa mga manganganak na nanay ang hindi nakakakuha ng libreng serbisyo sa mga government hospitals dahil mas binibigyang prayoridad ng mga ospitala ng mga COVID-19 patients.

“Wala nang mapuntahan ang mga manganganak kaya inaabot ng birth delivery sa tricycles,” ayon kay Betonio.

Samantala, sinabi naman ni Medellin, Cebu Municipal Health Officer, Dr. Oliver Gimenez na magmula pa noong nakaraang taon ay nagsimula nang bumili ng anti-hypertensive medicines ang lokal na pamahalaan para sa mga health centers nito dahil hindi nakakapagpadala ng suplay ang Department of Health.

Salungat ito sa inilabas na ulat ng Commission on Audit na ang DOH ay mayroong P2.7-bilyong halaga ng mga unutilized and expired medicines.

Ibinahagi naman ni Dr. Jean Lindo mula sa Davao City ang kanyang naging karanasan sa mga katutubong Haran na magpahanggang-ngayon ay wala pa ring naitatalang kaso ng COVID-19 sa kanilang komunidnad dahil sa pagiging disiplinado ng mga ito sa pagsunod sa health protocols.

Gayunman, karamihan sa mga pasyente sa iba’t ibang komunidad sa Davao ang pumipila sa mga ospital para mabigyang-lunas.

“There is a need for testing kits at the ground level. PPEs should be provided to all health workers from the community front line to the hospital workers. Health protocols and adherence to quarantine measures should be followed,” ayon kay Lindo.

Patuloy pa ring nadaragdagan ang bilang ng mga medical frontliners sa bansa na nagbibitiw sa kanilang mga pwesto dahil sa hirap na dinaranas sa mga ospital bunsod ng patuloy na kaso ng mga nahahawaan ng COVID-19 at kakulangan sa ibinibigay na karampatang benepisyo mula sa pamahalaan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 18,436 total views

 18,436 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 24,023 total views

 24,023 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 29,539 total views

 29,539 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 40,660 total views

 40,660 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 64,105 total views

 64,105 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Michael Añonuevo

P1.8M karagdagang cash assistance, ipapadala ng Caritas Manila sa 6-Bicol dioceses

 306 total views

 306 total views Magpapadala ng karagdagang P1.8 milyon cash assistance ang Caritas Manila para sa Bicol dioceses na labis na nasalanta ng Bagyong Kristine. Makakatanggap ng tig-P300,000 karagdagang tulong ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of Virac, Catanduanes; Diocese of Daet, Camarines

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Suriin ang pamumuhay sa paggunita ng UNDAS

 287 total views

 287 total views Pagnilayan ang nakagawiang pamumuhay at gawing kaaya-aya sa Diyos at kapwa. Ito ang mensahe ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa bawat mananampalataya bilang paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay. Ayon kay Bishop Presto, ang paggunita sa mga araw na ito’y nagsisilbing paalala

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Miss Earth beauty queens, nanawagan ng zero waste sa mga sementeryo

 613 total views

 613 total views Nagsama-sama ang pro-environment advocates at Miss Earth beauty queens mula sa sampung bansa upang hikayatin ang publiko na iwasan at bawasan ang basura sa mga pampubliko at pribadong sementeryo ngayong Undas. Bilang bahagi ng kampanyang Zero Waste Undas 2024 na may temang “Kalinisan sa Huling Hantungan, Igalang ang Kalikasan,” nagsagawa ng pagtitipon ang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Isabuhay ang tunay na diwa ng Undas, apela ng Arsobispo sa mananampalataya

 620 total views

 620 total views Hinikayat ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na ituring na sagrado ang pag-alaala at paggalang sa mga banal at yumaong mahal sa buhay ngayong Undas. Ayon sa arsobispo, hindi na ganap na naisasabuhay ang tunay na kahulugan ng Undas, at ang “Halloween” ay napalitan ng nakakatakot na kahulugan. Sinabi ni Archbishop

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

UNDAS, isang pag-alala at pagpaparangal

 676 total views

 676 total views Ipinaalala ni San Pablo Bishop-designate Marcelino Antonio Maralit, Jr. ang kahalagahan ng pagpaparangal at pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay, gayundin sa mga santong namuhay nang may kabanalan. Ito ang mensahe ni Bishop Maralit kaugnay sa paggunita sa Undas ngayong taon—ang All Saints’ Day o Araw ng mga Banal sa November 1

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Exorcist Priests, tampok sa UNDAS special programing ng Radio Veritas

 987 total views

 987 total views Muling inaanyayahan ng Radyo Veritas 846 ang mga kapanalig na pakinggan at subaybayan ang mga programa ng himpilan para sa paggunita ng Undas ngayong taon. Ito ang Dalangin at Alaala 2024: Kapanalig ng Yumaong Banal, na naglalayong gunitain ang mga banal ng Simbahang Katolika at mag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

DILG, nakiisa sa mapayapa at maayos na UNDAS 2024

 1,146 total views

 1,146 total views Nakikiisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mapayapa at maayos na paggunita ng Undas ngayong taon. Kasabay ng pag-alala at pag-aalay ng panalangin para sa kapayapaan ng mga yumaong mahal sa buhay, hinihikayat ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang publiko na maging maingat laban sa mga mapagsamantalang maaaring samantalahin

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Patuloy na panalangin, tulong sa mga nasalanta sa Batangas panawagan ni Archbishop Garcera

 1,942 total views

 1,942 total views Nananawagan ng tulong at panalangin si Lipa Archbishop Gilbert Garcera para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan ng Batangas. Ayon kay Archbishop Garcera, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang muling makapagbigay ng pag-asa sa mga lubhang nasalanta ng nagdaang sakuna. “Ako po’y patuloy na nagdarasal para sa ating

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Malawakang pagbaha sa Bicol region: Dulot ng pagkasira ng kalikasan, pagbabaw ng ilog at lawa

 2,035 total views

 2,035 total views Ipinaliwanag ng isang pari at tanyag na Bicolano author ang nangyaring malawakang pagbaha sa Bicol Region sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Ayon kay Fr. Wilmer Tria, kura paroko ng St. Raphael the Archangel Parish sa Pili, Camarines Sur, ang pagbaha sa Bicol ay dahil sa kombinasyon ng heograpiya, klima, at mga

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Mabilis na pagtugon ng social action ministries sa mga nasalanta ng bagyo, pinuri ng Caritas Philippines

 2,709 total views

 2,709 total views Kinilala ng social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang agarang pagtugon ng social action ministries ng bawat diyosesis na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang mabilis na pagkilos ng bawat social arm ay patunay na nakatulong

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Prayer for Protection from typhoon Kristine, ini-alay ni Bishop Santos

 3,574 total views

 3,574 total views Hinihiling ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na mapasailalim sa pangangalaga ng Diyos ang mga lugar na kasalukuyang hinahagupit ng Bagyong Kristine lalo na sa CALABARZON Region at lalawigan ng Rizal. Dalangin ni Bishop Santos na kasabay ng paglakas ng bagyo, ang Diyos ay magsilbing kalasag laban sa anumang kapahamakan, lalo na sa mga

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Caritas Caceres, nangangailangan ng suporta

 3,593 total views

 3,593 total views Patuloy ang pag-apela ng tulong ng Caritas Caceres para sa mga nagsilikas na pamilya sa iba’t ibang parokyang kinasasakupan ng Archdiocese of Caceres. Ayon kay executive director, Fr. Marc Real, hindi pa madaanan ang mga pangunahing kalsada patungo sa Naga City, kabilang na rito ang dalawang bayan, dahil lubog pa rin sa baha.

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

100 pesos mo, Tabang natin sa Bicolano, inilunsad ng Archdiocese of Lipa

 3,668 total views

 3,668 total views Inilunsad ng social arm ng Archdiocese of Lipa ang fund raising campaign bilang tugon sa panawagan ng mga lubhang naapektuhan ng sakuna sa Bicol Region. Ito ang “100 pesos mo, Tabang natin sa Bicolano” ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) na layong matulungan sa pamamagitan ng pinagsama-samang sandaang piso ang mga apektadong

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Diocese of Legazpi, nagpapasalamat sa Caritas Manila

 3,682 total views

 3,682 total views Ikinagalak ng Diocese of Legazpi ang natanggap na initial cash assistance mula sa Caritas Manila para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan ng Albay. Ayon kay Social Action Center – Legazpi director, Fr. Eric Martillano, malaking bagay ang paunang tulong na P200,000 para sa mga pamilyang labis naapektuhan ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kaligtasan ng lahat sa bagyong Kristine, ipinagdarasal ng Diocese of Antipolo

 4,225 total views

 4,225 total views Ipinapanalangin ng Diyosesis ng Antipolo na nawa’y patnubayan ng Diyos ang sambayanang Pilipino, lalo na sa Bicol Region, mula sa matinding pagsubok na dala ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Hinihikayat ng diyosesis ang sama-samang pagtutulungan at pananalangin para sa katatagan at pag-asa ng mga lubhang nasalanta ng sakuna. Dalangin ng Diyosesis ng Antipolo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top