Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

KAMANLALAKBAY Homiliya Para sa ika 17 ng Oktubre 2021, Paglulunsad ng Sinodo Tungo sa Isang Simbahang Sinodal, ika-29 na Linggo ng Karaniwang Panahon, Markos 10:35-45

SHARE THE TRUTH

 210 total views

Simulan natin ang ating pagninilay sa isang kuwentong tunay na nangyari. Minsan, sa isang eskwelahan ng mga special children na may “down syndrome” na mas kilala ng Pilipino sa salitang mongoloid, nag-organize ang mga parents ng isang palaro. Tulad ng mga athletic competitions sa mga eskwelahan para sa mga regular na estudyante, mayroon ding mga trophies para sa mga magwawagi—first prize, second prize, third prize sa bawat kategorya at overall champion.

Sa kategorya ng 100-meter dash, pabilisan ng takbo, naghanda ang mga contestants at humilera na sa linya sa track and field. Nagbigay ng hudyat ang sports teacher, “On your mark, get set, go!” Nagsitakbo na ang mga bata. Lahat ng parents nasa gilid, sinisigawan ang kani-kanilang anak “Bilis! Bilis!” Lahat gustong mauna ang anak nila. Nang malapit na sila sa finish line, nagkataon na iyung pinakamataba sa kanila na may kabagalan ang takbo ay biglang bumagsak. Napasigaw ang mga nanonood. Bagay na tumawag pansin sa mga bata. Lahat, pati iyung nauuna ay nagsihinto at lumingon. Sumisigaw pa rin ang ibang mga magulang ng “Takbo! Takbo!” Pero lahat sila ay bumalik para tulungan ang kaklase nila na tumayo.

Maya-maya, nang makatayo na ang bumagsak, nagkapit-bisig silang lahat at sabay-sabay na tumakbo patungo sa finish line. Lahat sila, winner. Ang trophy para sa hundred-meter dash ay para sa lahat.

Pagkatapos ng palaro, ininterbyu ang mga bata habang nakikinig ang mga magulang. Bakit kayo huminto at bumalik? Sabi nila, tinuro ni titser na pag mayroong bumagsak, kailangang tulungan. Sabi rin ni titser, walang unahan, mas maganda ang sama-sama. Natahimik ang mga magulang. Tinuruan sila ng sariling mga anak nila na mas importante kaysa manalo o mauna ang umakay sa bumabagsak at sabay-sabay na maglakbay.

Siguro, kaya hindi tayong lahat ginawang perfect, malakas, matalino, malusog, o maganda ng Panginoon. Kung hindi mag-uunahan tayo, magpapaligsahan. Kapag nasanay tayo na makipag-unahan, magpalakasan, pagalingan, pahusayan, pagandahan, titingnan natin ang kapwa bilang kalaban, katunggali, kakumpetensya imbes na kapatid, kasama, kaibigan. Ito ang nagpapababa sa pagkatao natin.

Kapag natuto tayong kumalinga sa maysakit, magpalakas sa mahihina, sumuporta sa may kapansanan, umalalay sa may karamdaman, tumataas ang pagkatao natin. Ganito ang simpleng aral ni Hesus sa ating ebanghelyo ngayon. Ang maghangad ng tunay na kadakilaaan hindi sa pakikipagpalakasan o pakikipag-unahan. Iyan daw ang prinsipyo ng daigdig. Hindi ganyan ang prinsipyo ng kaharian ng Diyos.

Ang ibig maging dakila ay dapat matutong maglingkod. Ang ibig mauna ay dapat maging handang magpahuli, katulad ng Anak ng Diyos na nakilakbay sa sangkatauhan bilang Anak ng Tao, upang tayo ay maging mga anak ng Diyos.

Ito ang inilulunsad natin sa araw na ito, kasabay ang lahat ng mga diyosesis sa buong mundo. Sa araw na ito sinisimulan ang dalawang taon ng paghahanda para sa isang pandaigdigang Sinodo na ang tema ay TUNGO SA ISANG SIMBAHANG SINODAL (o sama-sama sa pakikilakbay).

Alam nating lahat ang talinghaga ni Hesus tungkol sa manlalakbay na nabiktima ng mga tulisan at ang naging reaksyon ng tatlong manlalakbay na nakakita sa kanya. Nakita siya ng Saserdote at dinaanan. Nakita rin ng Levita at dinaanan. Nakita siya ng Samaritano, kinahabagan, kinalinga, tinulungan.

Sa isang sermon na ibinigay ng pastor at bayani ng black civil rights movement na si Martin Luther King tungkol sa nasabing talinghaga, ang tanong niya ay dalawa. Una, “Bakit umiwas ang pari at Levita sa biktima?” At ang sagot ay dahil daw ang unang pumasok sa isip nila ay, ‘Ano ang mangyayari sa AKIN kung tutulungan ko SIYA?’ At pangalawa, sa panig naman ng Samaritano, tinanong din niya, “Bakit nagmalasakit siya imbes na umiwas?” At ang sagot ay, dahil daw ang unang pumasok sa isip niya ay baligtad, ‘Ano ang mangyayari sa KANYA kung hindi ko SIYA tutulungan?’”

Alam nating kahit sino sa atin ay maaaring malagay sa sitwasyon ng biktima. Ganito ang sitwasyon ng maraming sa ating lipunan—mga nasasantabi, mga naiiiwanan, mga naliligaw, mga hinahamak at minamaliit. Mga walang disenteng tahanan, mga migrante, mga walang hanapbuhay, mga inaabuso, mga may kapansanan, mga nalululong sa droga, mga biktima ng karahasan, mga balo, mga ulila at mga bilanggo. Mga taong naudlot ang lakbayin sa buhay dahil sa mga tulisan sa lipunan. Mga pinagkaitan ng karapatan at kinabukasan, mga hindi makarating sa dapat paroonan—nakahandusay sa may tabi, sugatan, nag-aagaw-buhay.

KAMANLALAKBAY. Ito ang salitang Pilipino na gagamitin natin bilang katumbas ng SYNODALITY. Ang ituring ang BAWAT KAPWA dito sa mundo bilang kasamahan sa paglalakbay sa iisang landas ng buhay. Hindi lang kadugo o kapamilya, o kaparokya kundi bawat kapwa-tao at kapwa nilalang.

Walang duda, para sa maraming mga Katoliko, ang “kamanlalakbay” ay mga Kapwa Katoliko. Sa mga aktibong Katoliko sa ating mga parokya, ang kamanlalakbay ay ang mga kaparokya. Mga aktibo na sa simbahan, kasamang nagsisimba, nagdi-debosyon, kasamang naglilingkod at nakikibahagi sa mga gawaing pamparokya.

Ang “kaparokya” ay sanay nang makisangkot sa mga gawaing pang-simbahan, di ba? Sa mga pastoral na pagtitipon, sa mga pastoral planning, sa mga miting ng pastoral council, atbp. Sumasama, sumusuporta, sumusunod, pero ang marami sa kanila madalas ay ni hindi umiimik, pahapyaw ang pakikibahagi at lalong hindi namumuno. Mas sanay na maghintay sa iuutos o ipagagawa ng pari o ng Pastoral Council.

Sa diwang “sinodal”, mahalagang itanong, papaano kaya natin mas lalong mapauunlad ang pagiging kamanlalakbay ng mga laiko na nakapaloob na sa buhay at misyon ng simbahan? Ang diwang ito ng simbahang sinodal, ayon sa paanyaya ni Papa Francisco, ay may kinalaman sa tatlong prinsipyo: pakikibuklod (communion), pakikibahagi (participation) at pagmimisyon (mission).

Sa diwang ito, hindi ba tayo dapat magtaka, bakit mas maraming mga binyagang Katoliko ang halos hindi natin nakikita o nakakahalubilo sa loob ng parokya? Ang iba ay matagal nang tumiwalag. Mayroon sa kanilang matagal nang walang kinalaman sa simbahan kahit Katoliko pa rin ang turing sa sarili nila. Bakit kaya?

Mas marami sa mga binyagang Katoliko ang mga dukha, mga “isang kahig-isang-tuka”, mga palaboy sa lansangan, mga nasa laylayan ng lipunan, mga factory workers, mga vendors sa palengke, drivers, katulong, mangangalakal, atbp.

Marami sa kanila ang hindi sanay dumalo sa Misa dahil kailangang maghanap-buhay kahit pag Linggo, o maglaba, magluto, matulog, magpahinga para kumayod na muli at may maipakain sa mag-anak. Hindi man nagsisimba nagdidibosyon kapag araw ng Nazareno, o ng Ina ng Laging Saklolo, Pistang Santo Nino, nakikibasa ng pasyon kapag Mahal na Araw, nasa may gilid ng patio kapag Simbang gabi at Pasko. Nagpepenitensya, namamanata, nakikilakad sa mga prusisyon, ngunit lagi, nasa may mga gilid, sa may sulok, sa mga tabi-tabi, na parang hindi kasali. Ano ang kailangang gawin upang sila rin ay maging lubos na kamanlalakbay natin?

Sino pa, bukod sa kapwa Katoliko, ang ating kamanlalakbay? Ang ating ibang mga kapwa Kristiyano. Walang duda, ang ibang Kristiyanong hindi natin kasama sa Simbahang Katoliko ay hindi natin aasahang makiisa sa ating pagsamba at mga pastoral na gawain sa Simbahan. Ngunit ano ba ang dahilan upang hindi natin sila maituring na kamanlalakbay, gayong iisang Diyos din ang ating sinasamba, iisang Espiritu Santong tinanggap sa binyag, iisang Kristong Anak ng Diyos at Manunubos ang ating sinusundan. Mga kapitbahay din natin sila, o kabarangay, o kaklase, o katrabaho, kababayan.

Sino pa bukod sa kapwa Kristiyano ang ating kamanlalakbay? Marami pa—mga Muslim, mga Chinese communities na Buddhist, mga taga-ibang relihiyon o walang relihiyon. Hindi man natin sila aasahang pumasok sa ating mga simbahan at lumahok sa ating mga gawain, kapwa-tao rin naman natin sila. Walang dahilan upang hindi natin sila maituring bilang kamanlalakbay kung iisang daigdig lang ang ating tahanan, kung may malasakit din naman sila sa kapaligiran, naghahangad din sila ng katarungan at kapayapaan, may malasakit din sila sa mga dukha at mga nasasantabi sa lipunan?

Wala tayong monopolyo ng malasakit sa daigdig at sa mga dukha. Hindi tayo nag-iisa sa maraming adhikain sa lipunan. Maraming mga ahensya ng guyerno (national, LGU, Barangay) at mga ahensyang hindi-pang-gubyerno (NGO’s), mga civic organizations at people’s organizations na maaari din nating makasama sa pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, lalo na sa panahon ng kalamidad, mga salot tulad ng pandemyang Covid19, at sa pagharap sa maraming problemang panlipunan.

Tayo na, mga kapatid, sa buong Diyosesis ng Kalookan. Tayo na’t makilakbay. Ito ang daan ni Kristo—ang daan ng pag-ibig na tumutubos, and daan ng krus at muling pagkabuhay. Tayo na’t sama-samang makinig, magkuwentuhan, kumilatis sa galaw ng Espiritung patuloy na lumilikha at nagbibigay buhay sa sanlibutan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 47,135 total views

 47,135 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 61,791 total views

 61,791 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 71,906 total views

 71,906 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 81,483 total views

 81,483 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 101,472 total views

 101,472 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,651 total views

 7,651 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,781 total views

 9,781 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,781 total views

 9,781 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,782 total views

 9,782 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,778 total views

 9,778 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,651 total views

 10,651 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,852 total views

 12,852 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,885 total views

 12,885 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 14,239 total views

 14,239 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,335 total views

 15,335 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,544 total views

 19,544 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 15,262 total views

 15,262 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,632 total views

 16,632 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,894 total views

 16,894 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,587 total views

 25,587 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top