151 total views
Nilinaw ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang tinaguriang ” PCO gag order” sa media.
Ikinatwiran ni Andanar na layon ng gag order na maging mas malinaw at makatotohanan ang impormasyon sa mga mamamayahag at mamamayan tungkol sa mga pahayag ng pangulong Duterte.
Sinabi ni Andanar na maiiwasan ang pagkalito sa official statement ng pangulong Duterte kung iisang source o tanggapan lamang magmumula ang mga opisyal na pahayag para sa Office of the President.
“If you want an official line, an official clarification from the Office of the President, then you go straight to the Presidential Communications Office. Now, kung maswerte kayo na nakakuha kayo straight from the Presidential Office or the Office of the President, then you are lucky. Now, kung para mas madali ho ay mas maganda na dumiretso na lamang kayo sa PCO para mas malinaw, para wala pong conflict…” pahayag ni Andanar.
Nilinaw ni Andanar na hindi inaalisan ng gampanin ang mga kalihim ng bawat tanggapan o kagawaran ng pamahalaan.
Ibinahagi rin ng Kalihim na maaring magkaroon ng pambihirang pagkakataon na magtatakda ang Malacañang ng ‘official spokesperson for the day’ depende sa mga usaping dapat ibahagi sa publiko.
Sinasabi sa Article 7 Section 16 ng 1987 Constitution, maaring magtakda o maghirang ang Pangulo ng sinuman upang maging bahagi ng kanyang gabinete sa pahintulot ng Commission on Appointments.
Sa datos ng Office of the President, binubuo ng 35 regular Cabinet members ang Administrasyong Duterte bukod pa sa 6 na Cabinet-Rank Officials ng Administrasyon.
Ayon nga sa Kanyang Kabanalan Francisco “Ang Pulitika ay isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa…” dahil sa pagtutulak sa common good o ang mas makabubuti para sa lahat.