Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ibalik ang pananaig ng batas

SHARE THE TRUTH

 216 total views

Mga Kapanalig, lumabas noong isang linggo ang report ng World Justice Project – Rule of Law para sa 2021 kung saan muling bumaba ang iskor ng ating bansa pagdating sa pananaig ng batas o rule of law. Sa ilalim ng pamumuno ni Presidente Duterte, bumaba sa pang-102 ang ating ranggo ngayong taon mula pang-51 noong 2015. Kabilang na rin tayo sa mga bansang may pinakamababang grado sa Asya.

Ang report ay batay sa survey na nilahukan ng mahigit 138,000 pamilya at 4,200 eksperto sa 139 bansa sa buong mundo. Nakakuha ng gradong 0.46 ang Pilipinas pagdating sa pananaig ng batas; 1 ang pinakamataas na grado. Ang kabuuang grado ay batay sa iba’t ibang aspeto ng pamamahala at pagpapatupad ng batas katulad ng paggalang sa mga karapatang pantao, maayos na sistemang pangkatarungan, at kawalan ng katiwalian.

Hindi sinang-ayunan ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang report. Aniya, patuloy na bumababa ang kriminalidad sa bansa, at bagamat hindi perpekto ang ating mga tagapagpatupad ng batas, patuloy naman silang naglilingkod. Naniniwala naman si University of Santo Tomas Political Science Professor Marlon Villarin na patuloy na bababa ang ating grado sa rule of law index hangga’t hindi nasosolusyunan ng pamahalaan ang mga isyu ng pang-aabuso sa pagpapatupad nito ng war on drugs. Batay sa 2020 report ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights, nasa mahigit 8,000 na ang napapatay sa giyerang ito ng administrasyon. Sa katunayan, uumpisahan na ng International Criminal Court ang pag-iimbestiga nito sa mga kaso ng extra-judicial killings sa bansa.

Dumadagdag sa kawalan ng maayos na sistemang pangkatarungan ang pangingibabaw ng ehekutibo sa lehislatura at hudikatura o ang kawalan ng pantay na kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan. Makikita natin ito sa tila pagiging sunud-sunuran ng mga miyembro ng dalawang sangay ng pamahalaan sa mga kagustuhan ng pangulo. Naaalala ba ninyo ang bantang sanlibong pisong badyet lang ang ibibigay sa Commission on Human Rights? Ang paglilibing sa diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani? At ang pagpapasara sa ABS-CBN? Lahat ng ito ay may pagsang-ayon ng ating mga mambabatas at mga hukom sa Korte Suprema.

Sa isyu naman ng katiwalian, nariyan ang pag-alingasaw ng mga diumano’y pangungurakot ng ilang ahensya sa ponding dapat nakalaan sa pagtugon natin sa pandemya.

Naniniwala ang Simbahang susi ang rule of law sa pagkakaroon ng maayos na lipunan at buháy na demokrasya. Kinikilala ng ating Simbahan ang kahalagahan ng balanseng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan at ang responsibilidad ng bawat isa sa pagpapanagot sa mga kapantay nilang sangay. Kaugnay nito, binibigyang-diin ng ating mga katuruan ang importansya ng pananaig ng batas sa pamamagitan ng pagsigurong nasusunod ang mga batas at hindi ang interes ng mga nasa kapangyarihan. Ibig sabihin, dapat walang kinikilingan ang mga tagapagpatupad ng batas.

Sa huli, taumbayan ang dehado sa kawalan ng rule of law. Lahat tayo ay ninanakawan sa tuwing may katiwalian sa pamahalaan. Mahihirap ang higit na biktima ng karahasan at mga patayan. Dignidad natin ang nanganganib sa patuloy na pagsikil sa ating mga karapatang pantao, kabilang ang malayang pamamahayag. Samakatuwid, tungtungan ng katarungan at kapayapaan ang pananaig ng batas.

Mga Kapanalig, ayon nga sa Mga Kawikaan 29:2, “Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.” Nawa’y patuloy tayong manawagan para sa pananaig ng batas sa ating bansa. Kaya naman, sa darating na eleksyon, maging mapanuri tayo sa mga ihahalal nating lider. Tanungin natin: pananaigin at paiiralin ba nila ang batas o tatangis ba ang bayan sa ilalim ng kanilang pamumuno?

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 38,698 total views

 38,698 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 53,354 total views

 53,354 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 63,469 total views

 63,469 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 73,046 total views

 73,046 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 93,035 total views

 93,035 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 38,699 total views

 38,699 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,525 total views

 3,525 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 53,355 total views

 53,355 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 63,470 total views

 63,470 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 73,047 total views

 73,047 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 93,036 total views

 93,036 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,387 total views

 49,387 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,412 total views

 44,412 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,981 total views

 47,981 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,436 total views

 60,436 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,503 total views

 71,503 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,822 total views

 77,822 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,432 total views

 82,432 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,992 total views

 83,992 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,553 total views

 49,553 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top