497 total views
Mahigit 1,400 na mga nalulong sa illegal na droga ang natulungan ng drug rehabilitation program ng Archdiocese of Manila mula ng maitatag ito limang taon na ang nakakalipas.
Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Roberto ‘Bobby’ Dela Cruz, Priest-in-Charge ng Restorative Justice Ministry ng Archdiocese of Manila na nangangasiwa sa programang SANLAKBAY sa Pagbabago ng Buhay sa paggunita ng ikalimang anibersaryo ng pagkakatatag ng programa na tugon sa problema ng ilegal na droga sa bansa.
Ayon kay Fr. Dela Cruz, mula ng maitatag noong taong 2016 ay umaabot na sa 1,417 drug addicts ang sumailalim sa SANLAKBAY ang natulungan at nagabayan upang makapagbagong buhay at maging isang responsibleng mamamayan.
Itinatatag ang programa sa pagtutulungan ng Simbahan, mga ahensya ng pamahalaan at iba’t ibang grupo ng mga indibidwal.
“Sanlakbay is pastoral accompaniment designed primarily for people who uses illegal drugs. Ever since its conception since 2016, there had been 1,417 drug addicts who enrolled in the program. This was not easy. Trust among stakeholders need to be established. Despite the many challenges, Sanlakbay became the opportunity for the Church, the government and different civilian groups become united towards a common goal.” mensahe ni Fr. Dela Cruz.
Ibinahagi ni Fr. Dela Cruz na dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic ay payak na iipagdiriwang ng arkidiyosesis ang pagkakatag sa SANLAKBAY sa Pagbabago ng Buhay.
Ang SANLAKBAY ay itinatag sa ilalim ng pamumuno ng noo’y arsobispo ng Maynila na si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang tugon sa suliranin ng pagkalulong sa illegal na droga ng mamamayan at madugong war on drugs ng Pangulong Duterte.
Pangungunahan
ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang payak na pagdiriwang na gagawin sa pamamagitan ng isang banal na misa sa ika-23 ng Oktubre, 2021 sa Archdiocesan Shrine of Sto. Nino de Tondo ganap na alas-nuebe ng umaga.
“Despite the pandemic and numerous lockdowns, Sanlakbay (One Journey) is set to celebrate its 5th year founding anniversary since its conception through the initiative of then Manila Cardinal Chito Tagle. It is expected the newly appointed Cardinal Jose Advincula will lead the Eucharistic celebration on October 23, 2021, 9am at Diocesan Shrine and Parish of Sto. Nino de Tondo.” Dagdag pa ni Fr. Dela Cruz.
Tema ng ikalimang anibersaryo ng Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay ang “Sana All Kapag Tulong-tulong may Pagsulong” na layuning bigyang diin ang patutulungan ng iba’t ibang sektor at institusyon upang mapanumbalik ang tiwala at kapanatagan na kinakailangan para makapagbagong buhay ang isang nalulong sa pinagbabawal na gamot o ilegal na droga.
Inaasahan rin ang pakikibahagi sa paggunita ng ikalimang anibersaryo ng pagkakatatag ng Sanlakbay ng ilang mga opisyal mula sa Archdiocese of Manila at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Dangerous Drugs Board, Philippine Drug Enforcement Agency, at Philippine National Police na pawang nakatuwang ng arkidiyosesis upang maisakatuparan ang misyon ng Sanlakbay na magkaloob ng rehabilitasyon sa mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot.