392 total views
Ito ang binigyang-diin ni Archdiocese of Cebu Archbishop Jose Palma sa isinagawang Misa sa paggunita ng ikasiyam na taon ng kapistahan ni San Pedro Calungsod sa Cebu City.
Ayon sa Arsobispo, ang labis na paglaganap ng maling impormasyon sa lipunan ang pangunahing sanhi upang higit na isulong sa pamayanan ang katarungan at katotohanan.
“To witness to the faith and to defend the truth is challenging because we know there’s a proliferation of fake news and of course various forms of deceit especially the social media,” pahayag ni Archbishop Palma.
Iginiit ng Arsobispo na sa pagbabahagi ng fake news lalo na social media malaki ang posibilidad na paniniwalaan ito ng mga makababasa.
Batay sa pag-aaral ng Statista Research noong 2020 ang YouTube ang nangungunang social media platform na ginagamit ng mga Filipino sa 97.2 percent na pinaglalaanan ng apat na oras.
Sa 800 milyong Facebook users naman sa Asya, 74 na milyon dito ang mga Filipino kung saan ito rin ang social media app na itinuring na primary source ng balita.
Gayunpaman hinikayat ni Archbishop Palma ang mamamayan na tularan ang halimbawa ni San Pedro Calungsod na nanindigan para sa katotohanang hatid ni Hesus sa sangkatauhan.
“The challenge for all of us is to uphold and defend the truth. Pedro Calungsod teaches us that witnessing to the faith and standing to the truth is possible for all people,” giit ng Arsobispo.
Samantala, patuloy na pinag-iingat ng simbahan ang mamamayan kaugnay sa pagkalat ng fake news partikular sa social media lalo na ngayong nalalapit na ang halalan kung saan karamihan sa mga kumandidato ay gumagamit ng social media para sa pangangampanya.