334 total views
Ibinahagi ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula ang kahalagahan ng pananalangin sa araw-araw na pamumuhay.
Sa pagninilay ng arsobispo ng Maynila sa World Mission Sunday mass sa Chapel of the Eucharistic Lord, binigyang diin nito na sa pananalangin ay nabuksan ang kamalayan at pagtitiwala sa Panginoon ng tao upang mabigyan ng pag-asa.
“The first is the awareness of needing the Lord, second condition is trust. Without trust there is no prayer; there will only be discouragement and desperation,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.
Sinabi pa ng arsobispo na sa bawat hirap na kinakaharap ng sangkatauhan ay mahalagang matutuhang manalangin sa Panginoon upang mapagtagumpayan ang anumang hamon ng buhay.
Sinabi pa ni Cardinal Advincula na dapat hindi panghinaan ang tao sa mga mahihirap na sitwasyon bagkus dapat na ipagkatiwala sa Diyos ang suliranin sa tulong ng panalangin.
“The awareness of our miserable state should not bring us sadness because it is actually a premise, even a prerequisite for authentic prayer: it makes us turn to God with a sincere plea to be healed,” ani ng cardinal.
Paalala ni Cardinal Advincula sa bawat isa na isabuhay ang misyon bilang binyagang kristiyano ang ipalaganap ang mabuting balita sa pamayanan at ipanalangin ang bawat isa lalo na ang mga nawalan ng pag-asa bunsod ng suliranin.
Tema ng World Mission Sunday 2021 ang ‘We cannot but speak about what we have seen and heard” (Acts 4:20)’ kung saan hinimok ng punong pastol ng Maynila ang bawat isa na pakinggan ang panawagan ni Hesus sa pagmimisyon.
“Take courage, get up, Jesus is calling you. We are called to encourage others, to give them hope, to boost their morale. We are called to help others, to get up, to start anew and not to put them down,” saad ng arsobispo.
Bago matapos ang banal na misa na pinangunahan ni Cardinal Advincula ang send-off commissioning sa bawat dumalo upang maging katuwang ng simbahan sa pagmimisyon kasabay ng pagbabasbas sa mananampalataya habang hawak ang mga mission cross.
Hinimok din ng cardinal ang mananampalataya na ipanalangin ang mga religious at lay missionaries na nagmimisyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang na ang mahigit sampung milyong Overseas Filipino Workers na unang kinilalang misyonero ng Kanyang Kabanalan Francisco.