Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 290 total views

Mga Kapanalig, kabilang ang mga bilanggo sa mga kapatid nating nakararanas ng matinding pagdurusa at paghihirap. Hindi sila kinalilimutan ng ating Panginoon; wika nga sa Mga Awit 69:33, “Dinirinig ng Diyos ang may kailangan, lingkod na bilanggo’y ‘di nalilimutan.”

Ganoon na lamang ang pagpapahalaga natin sa dignidad ng mga kapatid nating pinakaitan ng kalayaan at nagdurusa sa mga bilangguan para sa mga nagawa nilang pagkakamali, itinalaga ng Simbahang Katolika ang huling linggo ng Oktubre bilang Prison Awareness Week. Sa taóng ito, nagsisimula ito ngayong araw, ika-25 ng Oktubre, at magtatapos sa Linggo, ika-31 ng Oktubre. Ito na ang ika-34 na Prison Awareness Week.

Sa pinakahuling datos ng Bureau of Corrections, ang opisina ng pamahalaang nangangasiwa ng mga bilangguan para sa mga taong napatawan ng mahabang panahon ng pagkakakulong, mahigit 48,000 ang ating prison population. Pinakarami sa mga ito ay nakakulong sa mga pasilidad ng New Bilibid Prison na ang kapasidad ay para lamang sa halos 6,500. Kaya sa kasalukuyang populasyon sa mga ito, aabot ang congestion rate sa 344%—sa madaling salita, siksikan na sa mga bilangguan natin.

Ganito rin ang sitwasyon ng mga babae sa Correctional Institute for Women, kung saan dinadala ang mga babaeng sangkot sa mga itinuturing na matitinding krimen. May dalawang correctional institutions sa ating bansa—isa rito sa Mandaluyong at isa naman sa Mindanao. Dito sa Mandaluyong, ang pasilidad na para lamang sa mahigit isanlibong preso ay mayroong mahigit 4,700 na bilanggo. Nasa 229% ang congestion rate doon—siksikan na rin ang mga babaeng bilanggo. Tiyak na may epekto ito sa kondisyon ng mga babaeng may ibang pangangailangan kumpara sa mga lalaki.

Lalaki man o babae, ang mga preso ay, una sa lahat, may dignidad na dapat pangalagaan. Ang dignidad na ito ang ugat ng Katolikong pananaw upang unawain ang sistemang pangkatarungan sa ating lipunan, upang buuin ang mga programa nating aabót sa mga kapatid nating bilanggo, at, higit sa lahat, upang isulong ang tunay na katarungan para sa lahat. Malinaw ang ating pagtutol sa parusang kamatayan o death penalty dahil nilalabag nito ang buhay na kaloob sa atin ng Panginoon, ngunit kailangan din nating pagtuunan ng pansin ang pagpapabuti ng kalagayan ng mga kapatid nating nakabilanggo. Sabi pa nga ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti, ang habambuhay na pagkakabilanggo ay para na ring death penalty.

Ngunit kahit pa hindi habambuhay na pagkakakulong ang parusang natanggap ng mga bilanggo, ang manatili sa bilangguan sa mahabang panahon ay matinding paglabag sa kanilang dignidad. Ito ang hirap na pinagdaraanan naman ng mga kapatid nating nasa mga kulungang pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP. Ito ang mga provincial, district, city, at municipal jails. Marami sa mga nasa pasilidad na ito ay kasalukuyang dinidinig ang kanilang kaso sa korte o naghihintay pa ng pinal na desisyon. Ngayong may pandemya, ang dating mabagal na proseso ng trial ay mas bumagal pa dahil may mga panahong sinuspinde ang mga hearing. Kulang din ang mga abogado at huwes, kaya naman, ilang taon din ang gugugulin ng mga nasa siksikang detention cells ng BJMP. Ayon sa audit report ng COA, nasa 403% ang congestion rate sa mga kulungan ng BJMP. Mayroong mahigit 115,000 na bilanggo ang nasa mga pasilidad na kasya lamang para sa halos 35,000 na tao.

Mga Kapanalig, isa lamang ang pagsisiksikan sa mga problemang kinakaharap ng ating mga bilangguan at kulungan. Marami pa silang dinaranas katulad ng kakulangan sa pagkain at matinding kalungkutan. Kaya naman ngayong Prison Awareness Week, ating suportahan ang prison ministry ng Simbahan upang tulungang punan ang kakulangan ng pamahalaan at bigyang pag-asa ang mga kapatid nating preso.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 28,247 total views

 28,247 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 59,386 total views

 59,386 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 64,971 total views

 64,971 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 70,487 total views

 70,487 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 81,608 total views

 81,608 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 28,248 total views

 28,248 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 59,387 total views

 59,387 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 64,972 total views

 64,972 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 70,488 total views

 70,488 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 81,609 total views

 81,609 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 79,798 total views

 79,798 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 67,500 total views

 67,500 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 75,982 total views

 75,982 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 69,041 total views

 69,041 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 75,965 total views

 75,965 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 73,059 total views

 73,059 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 83,560 total views

 83,560 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 98,633 total views

 98,633 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 104,597 total views

 104,597 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 108,744 total views

 108,744 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top