404 total views
Pangungunahan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang misa sa paggunita ng mga yumaong pastol ng simbahan sa November 4, 2021.
Sa abisong inilabas ng Office for Liturgical Celebrations ng Vatican gaganapin ang banal na misa sa alas 11 ng umaga oras sa Roma.
“Holy Mass for the repose of the Cardinals and Bishops deceased during the year on Thursday, 4 November 2021, at 11.00, at the Altar of the Cathedra in Saint Peter’s Basilica, the Holy Father Francis will celebrate Holy Mass,” ayon sa pahayag.
Inaanyayahan din ang mga cardinal, arsobispo, obispo at maging mga patriarchs na makiisa sa pagdiriwang sa paggunita ng mga namayapang pastol ng simbahan.
Sa pagsasaliksik ng Veritas Newsteam ilan sa mga yumaong Cardinal ng simbahan ngayong taon sina Cardinal Jorge Arturo Medina Estévez ng Chile, Cardinal Cornelius Sim ng Brunei, Cardinal Alexandre José Maria dos Santos ng Mozambique, Cardinal Jorge Urosa Savino ng Venezuela, Cardinal Eduardo Martinez Somalo ng Vatican, Cardinal José Freire Falcão ng Brazil, at French Cardinal Albert Vanhoye.
Sa Pilipinas, pumanaw noong Abril si San Jose Occidental Mindoro Bishop Emeritus Antonio Palang dahil sa karamdaman.
Patuloy naman ang pag-alay ng panalangin ng mananampalataya sa mga namayapang lingkod ng simbahan at maging ng mga mahal sa buhay lalo na ang mga biktima ng COVID-19.