414 total views
Tinalakay ng Kanyang Kabanalan Francisco kay United States of America President Joseph Biden ang mahahalagang usaping panlipunan.
Kabilang sa napag-usapan ng dalawang lider ang pangangalaga ng kalikasan at pagtataguyod sa pantay ng karapatan ng mamamayan lalo na ang mga refugees na naghanap ng kanlungan.
“During the course of the cordial discussions, the Parties focused on the joint commitment to the protection and care of the planet, the healthcare situation and the fight against the Covid-19 pandemic, as well as the theme of refugees and assistance to migrants. Reference was also made to the protection of human rights, including freedom of religion and conscience,” bahagi ng pahayag ng Vatican.
Nagagalak si Biden sa mainit na pagtanggap ng Santo Papa sa kabila ng pagpuna ng US Bishops dahil sa paninindigan hinggil sa usapin ng aborsyon.
Bagamat itinuring ni Biden ang sarili na practicing catholic pabor naman itong isabatas ang aborsyon na labis tinutulan ng simbahang katolika dahil sa paglabag sa kautusan ng Panginoong itaguyod ang dignigad ng buhay ng tao.
Tinalakay din sa halos dalawang oras na pagpupulong ng dalawang lider ang usapin sa G20 summit maging ang pagsusulong pandaigdigang kapayapaan.
“The talks enabled an exchange of views on some matters regarding the current international situation, also in the context of the imminent G20 summit in Rome, and on the promotion of peace in the world through political negotiation,” dagdag na pahayag.
Si Biden na ikalawang Katolikong pinuno ng Amerika ang ika-14 na pangulo na bumisita at nakipagpulong sa Santo Papa mula 1919 sa kauna-unahang pagbisita ni President Woodrow Wilson.
Ilan sa dumalo sa pagpupulong ni Pope Francis at Biden sina Cardinal Secretary of State Pietro Parolin kasama si Archbishop Paul Richard Gallagher, ang Secretary for Relations with States.