357 total views
Pinalawig ng Synod of Bishops office ng Vatican ang deadline sa pagsusumite ng resulta sa unang bahagi ng synodal consultations sa Agosto 2022.
Ito ang tugon ng tanggapan sa kahilingan ng iba’t ibang espiscopal conferences na palawigin ang pagsusumite ng mga dokumento sa halip na Abril 2022 upang mabigyang sapat na panahon ang proseso sa bawat parokya sa buong mundo.
“We have heard, over and over again and from various quarters, the request to extend the duration of the first phase of the synodal process in order to provide a greater opportunity for the people of God to have an authentic experience of listening and dialogue,” ayon sa pahayag ng General Secretariat ng Synod of Bishops.
Ikinagalak din ng simbahan ang masigasig ng partisipasyon ng mananampalataya sa unang bahagi ng sinodo kung saan pakikinggan ng simbahan ang iba’t ibang kuwento at karanasan ng nasasakupan sa paglalakbay bilang simbahan.
Sa Pilipinas puspusan din ang mga diyosesis sa pre-synodal consultations sa iba’t ibang sektor mula ng inilunsad ang diocesan phase ng Synod of Bishops noong October 17.Batid ng Vatican ang kahalagahan ng unang bahagi ng synodal path bilang simbahang nakikinig sa nasasakupang mananampalataya.
Napagkasunduan ng secretariat ang deadline ng mga dokumento sa August 15, 2022.
Sa Archdiocese of Manila tiniyak ni Cardinal Jose Advincula ang pakikinig sa maliliit at mahihinang sektor ng lipunan kabilang na ang mga ‘un-churched’ bilang bahagi ng iisang katawan ni Kristo.
Ayon naman Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Davao Archbishop Romulo Valles itinakda ng simbahan sa Pilipinas ang national conference hinggil sa synodal process sa March 7 hanggang 9 upang bumalangkas ng preparatory document na isusumite sa Synod of Bishops Office sa Vatican.