443 total views
Ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) o mga bilanggo ang mas nangangailangan ng pagmamahal, paghilom at pag-asa sa lipunan.
Ito ang binigyang diin ni Diocese of Baguio Bishop Victor Bendico – Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care kaugnay sa paggunita ng Linggo ng Kamalayan para sa mga Bilanggo ngayong taon.
Ayon sa Obispo, naaangkop lamang na ipagdasal at ipadama sa mga bilanggo ang pagkalinga at pag-aaruga sa kabila ng kanilang mga nagawang pagkakasala sa kapwa.
Inihayag ni Bishop Bendico na kalimitang naisasantabi ang kapakanan ng mga bilanggo at kanilang pamilya.
“Kung merong mga tao na mas higit na nangangailangan ng pagmamahal – love, paghilom – healing, at pag-asa – hope sila ay yung mga bilanggo. Madalas nakakalimutan natin sila kahit na ang miyembro ng kanilang mga pamilya, ngayon ipagdasal natin sila sa kanilang mga mukha, katayuan at kalagayan, mas malapit si Hesus sa kanila, Jesus even identify himself with them.” Ang bahagi ng pahayag ni Baguio Bishop Victor Bendico.
Umaapela naman si Bishop Bendico sa judicial system ng bansa upang higit na tutukan ang kalagayan ng mga bilanggo at kanilang mga pamilya.
Ibinahagi ng Obispo na hindi kailanman mababago ang paninindigan ng Simbahan partikular na ang prison ministry na pinangungunahan ng kumisyon kaugnay sa pagsusulong ng kapakanan ng mga bilanggo.
binigyang diin rin ni Bishop Bendico ang patuloy na paninindigan ng kumisyon sa pagsusulong ng restorative justice, total abolition ng death penalty at maging ang alternatibong paraan ng pagpaparusa sa mga nagkasala ng hindi nalalabag ang dignidad ng bawat isa.
“I appeal to our judicial system to look into the plight of prisoners and even the plight of the family members of the prisoners, kindly hear their cries and pleadings and fast-track their cases. The Episcopal Commission on Prison Pastoral Care pursues its objective by generating public awareness of the plight of the prisons society and encourage active involvement in ministering to them. The ECPPC has major thrust that is the continuing advocacy of restorative justice, the total abolition of the death penalty and the adoption of alternatives to imprisonment that promote he dignity of the members of the prison society.” Dagdag pa ni Bishop Bendico.
Unang binigyang diin ni Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na kabilang ang mga bilanggo sa sektor na tinutukoy ng Kanyang Kabanalan Francisco na hindi dapat makalimutan kaugnay sa proseso ng isinasagawang Synod on Synodality ng Simbahang Katolika.
Iginiit ng kumisyon na bukod sa pagpapadama ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkalinga sa mga bilanggo ay mahalaga ring maipadama sa mga ito ang kanilang patuloy na pagiging bahagi ng Simbahan.