582 total views
Magtatapos ngayong Nobyembre ang year-long journey ng Diocesan Pastoral Assembly ng Diyosesis ng Legazpi.
Ayon kay Bishop Joel Baylon malaki ang maitutulong ng pagpupulong ng mga parokya at maliliit na komunidad para sa isasagawang pre-synodal consultations na bahagi ng Synod of Bishops on Synodality.
“These sessions will be a great way to integrate our Diocesan Pastoral Assembly 3 journey with the desire of the Holy Father for a Church of communion, participation and mission,” bahagi ng diocesan circular ni Bishop Baylon.
Itinakda naman sa January 2022 ang pagpupulong ng diocese at parish communities para sa Synod on Synodality matapos makompleto ang proseso ng resulta sa Diocesan Pastoral Assembly.
Pangangasiwaan ni Msgr. Crispin Bernarte Jr. ang pagtitipon sa November 19 na magsisimula sa alas otso ng umaga at magtatapos sa Banal na Misa sa alas dos ng hapon na pangungunahan ni Bishop Baylon.
Dahil sa pananatili ng banta ng pandemya limitado lamang ang maaring makakadalo ng pisikal habang hinimok ang mananampalataya na makiisa online sa pamamagitan ng Zoom app habang sabayang mapapanuod sa Facebook page ng diyosesis, Veritas TV at Radyo Veritas Legazpi.
“Our Pastoral Assistance Research and Development Secretariat (PARDS) will reach out to parishes and communities to ensure smooth coordination and active participation in using this mix of conventional and new media,” dagdag ng pahayag.
Hiling ni Bishop Baylon sa mananampalataya ang patuloy na panalangin sa tulong ng Ina, Nuestra Senora de Salvacion para sa ikatatagumpay ng ikatlong Diocesan Pastoral Assembly, ang pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng bansa at ang Synod on Synodality ng simbahan.