166 total views
Ipinagmalaki ng Department of Health na posibleng maging rabies-free na ang Pilipinas sa taong 2020.
Ayon kay Dr. Enrique Tayag, tagapagsalita ng DOH, bunsod na rin ito ng maigting na kampanya ng tanggapan para labanan ang rabies.
Sa pagdiriwang ng World Rabies Day, sinabi pa ni Dr. Tayag na kinakailangan ipagdiwang ito upang magkaroon ng kaalaman ang mamamayan na ang rabies ay nananatili pa rin ngayon na ‘public health threat’.
“Ito ay bilang kasama sa kampanya ng DOH na ang rabies ay nananatiling public health threat, sa 2020 kung papalarin tayo ay magiging rabies free malapait na yan kaya kailangan alalahanin natin ito every year,” ayon kay Tayag sa panayam ng Radyo Veritas.
Nakukuha ang rabies sa kagat ng aso na may dala nito at naililipat sa nerve ang virus pagapang sa utak na nagiging sanhi din ng kamatayan.
Sa ulat ng DOH, nasa 300 hanggang 400 ang mga Filipino na namamatay sa rabies kada taon sa Pilipinas.
Sa social doctrine of the church, kinakailangan na pangalagaan din ang pisikal na katawan dahil ito ay templo rin ng ating pananampalataya sa Panginoon.