356 total views
Pinaghahandaan ng Minor Basilica of the Black Nazarene ang mas pinalawak na ‘localized traslacion’ ng Poong Hesus Nazareno sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas partikular sa Luzon.
Ayon kay Father Douglas Badong, parochial vicar ng basilica, layunin nitong maiwasan ang pagdagsa ng mga deboto sa Quiapo Church sa January 9 bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19 lalo na ng Omicron variant.
Sa video message na inilabas ng basilica sinabi ni Father Danichi Hui na ipagpaliban pa rin ang tradisyunal na Traslacion ng Poong Nazareno mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.
Hinikayat naman ng pamunuan ng simbahan ang mananampalatayang magtutungo sa Quiapo Church sa araw ng pista na tiyaking bakunado laban sa COVID-19 at sundin ang ipinatutupad ng safety health protocol.
“Kung makikiisa sa kapistahan dapat ay fully vaccinated at laging dalhin ang vaccination card or ID; patilihin ang pagsusuot ng facemask at face shiled at magdala ng sariling hand sanitizer,” pagbabahagi ni Fr. Hui.
Dagdag pa rito ang wastong pagsunod sa physical distancing lalo na sa mga nais makapasok sa loob ng simbahan at mahalagang sundin ang mga volunteers na nagpapatupad ng safety protocol sa paligid ng simbahan.
Tiniyak din ng pamunuan ng basilica ang tuloy-tuloy na livestreaming ng mga misa para sa mga debotong nasa tahanan lamang upang makibahagi sa kapistahan ng Poong Nazareno.
Tema sa Traslacion 2022 ang ‘Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananalig?’ na hango sa ebanghelyo ni San Marcos kabanata apat talata 40 habang ang katesismong pagninilayan naman ay ang ikawalong utos na ‘”Huwag kang sasaksi nang ‘di totoo laban sa iyong kapwa’ (Exo. 20: 16).
Narito naman ang mga lugar na bibisitahin ng imahe ng Poong Hesus Nazareno mula December 27, 2021 hanggang January 8, 2022:
DECEMBER 27 – 29, 2021
• Atimonan Catholic Church – Atimonan, Quezon
DECEMBER 29, 2021 – JANUARY 2, 2022
• St. Ferdinand Cathedral, Lucena City
DECEMBER 28 – 30, 2021
• The Baguio Cathedral of Our Lady of the Atonement o Baguio Cathedral
DECEMBER 30, 2021 – JANUARY 2, 2022
• Birhen ng Antipolo – Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral
DECEMBER 31, 2021 – JANUARY 1, 2022
• Caritas Manila
JANUARY 1-2, 2022
• Chapel of St. Lazarus o San Lazaro Hospital
• Shrine of Our Lady of Namacpacan, La Union
JANUARY 2-3, 2022
• National Capital Region Police Office (NCRPO)
• St. John the Evangelist Cathedral, Lingayen, Dagupan
• Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit o San Pablo Cathedral
• San Roque Cathedral – Diocese of Kalookan
JANUARY 3-4, 2022
• Manila Public Information Office o Manila City Hall
• St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral Cabanatuan City
• Metropolitan Cathedral of San Sebastian – Archdiocese of Lipa
• Novaliches Cathedral
JANUARY 4-5, 2022
• Greenbelt Chapel, Ayala Center
• San Sebastian Cathedral Parish Tarlac, Poblacion, Tarlac City
• The Roman Catholic Parish Church of Saint John the Baptist City of Calamba, Calamba City
• The Immaculate Conception Cathedral of Cubao
JANUARY 5-6, 2022
• @Bureau of Fire Protection – Main Office
• Katedral ni San Jose, Nueva Ecija
• Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral – Imus Cathedral
• Immaculate Conception Cathedral of Pasig
JANUARY 6-7, 2022
• DZRV 846 / adyo Veritas 846
• Metropolitan Cathedral of San Fernando, Pampanga
• The Cathedral Parish of St. Andrew, Parañaque
• The Manila Cathedral – Minor Basilica of the Immaculate Conception
JANUARY 7-8, 2022
• San Carlos Seminary – Archdiocese of Manila, Guadalupe, Makati
• Malolos Cathedral – Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica
• Baclaran Church – National Shrine of Our Mother of Perpetual Help, Parañaque
JANUARY 8, 2022
• The Nazarene Catholic School (OFFICIAL), Hidalgo St., Quiapo, Manila