Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Krisis pangkalikasan, krisis ng kabataan

SHARE THE TRUTH

 309 total views

Mga Kapanalig, isang buwan matapos ang COP26 o ang United Nations Climate Summit, anu-ano ba ang dapat gagawin ng mga pamahalaan upang aksyunan ang climate change at ang pangalagaan ang kinabukasan ng mga bata?

Sa unang pagkakataon, naglabas ang United Nations Children’s Fund (o UNICEF) ng isang ulat na naghahanay sa mga bansa batay sa pagiging lantad ng mga ito sa climate change  at sa kakayanan ng mga batang makamit ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Tinawag itong Children’s Climate Risk Index. Ayon sa ulat na inilabas noong Agosto, pang-31 ang Pilipinas sa mga bansa kung saan lantad na nga ang mga bata sa mga epekto ng climate change, lubhang mahirap pa ang kanilang pagkamit ng mga basic services. Dito sa Pilipinas, maliban sa kasama sa mga mga biktima ang mga bata ng madalas na pagbaha at mga bagyo, ang hindi sapat na pamumuhunan sa mga social services katulad ng kalusugan at nutrisyon ay nakakaapekto sa pagtiyak sa maayos na kinabukasan ng mga bata.

Halos isang bilyong bata sa buong mundo ang nakatira sa mga extremely high-risk na mga bansa. Kung susumahin, isa sa bawat tatlong bata ang nakatira sa mga lugar na lantad sa apat sa mga bantang ito: pagbaha, bagyo, mga sakit, polusyon dulot ng lead, heatwave o matinding tag-init, kawalan ng tubig, at polusyon sa hangin. Gayunman, ang mga bansang kanilang pinanggalingan ay hindi naman ang mga pangunahing pinagmumulan ng carbon emissions na sanhi ng climate change. Siyam na porsyento lamang ng carbon emissions ang nanggaling sa 33 extremely high-risk na bansa. Ang ibig sabihin nito, ang mga bansang may napakaliit na kontribusyon sa carbon emissions ang nakararanas ng matitinding epekto ng climate change, at kabilang ang mga musmos sa mga nagdurusa at naghihirap.

Ang krisis pangkalikasan ay krisis ng kabataan sapagkat sila ang magmamana ng mundong matagal na nating inaabuso at ngayon ay pilit na isinasalba. Ngunit katulad ng sinabi ni Greta Thunberg, isang environmental activist na kumakatawan sa kabataan, kulang na kulang pa ang ginagawa ng mga bansa upang tugunan ang climate crisis at ang kawalan ng katarungang pinaiigting nito. Aniya, kung seryoso ang mga pamahalaan, kinakailangang mangako at, ang mas mahalaga, kumilos ang mga ito upang bawasan nang tuluyan ang carbon emissions. Ang mga mayayamang bansang umunlad dahil sa pagsira nila sa kalikasan ay may tungkuling bigyan ng pondo ang mahihirap at vulnerable na mga bansa upang mapalakas ang kanilang kakayanang tumugon sa mga epekto ng climate change at umangkop sa mga pagbabagong dulot nito katulad ng mas malalakas na bagyo at pagtaas ng tubig sa karagatan. Kung tutuparin ng mga pamahalaan ang tungkuling ito, magagawa nating mabigyan ng maayos na kinabukasan ang ating kabataan.

Ganito rin ang sinasabi ni Pope Francis—radikal at kongkretong hakbang ang kailangan upang bigyan ng pag-asa ang mga bata. Makakamit ito kung magkakaroon tayo ng sama-samang responsibilidad at pagkakaisa o solidarity upang pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan, ang ating common home. Sabi pa ng Santo Papa sa kanyang encyclical na Laudato Si’, ang climate change ay pandaigdigang suliraning humahamon sa ating pagkatao sapagkat nagdudulot ito ng kawalang katiyakan sa kinabukasan ng mga pamilya at ng mga bata. Kung hindi natin ito aaksyunan, para na rin nating kinakalimutan ang ating pananagutan sa isa’t isa, lalo na sa mga bata.

Mga Kapanalig, sinabi sa atin ng Diyos sa Mga Bilang 35:34, “huwag ninyong dungisan ang lupaing inyong tinitirhan.” Pinapaalala sa atin na ang mundong ito ay kailangan nating pangalagaan at hindi abusuhin. Kailangan nating makitang ang krisis na ating nararanasan ay hindi lamang krisis sa ngayon kundi krisis rin ng mga henerasyong susunod sa atin.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 44,978 total views

 44,978 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 56,053 total views

 56,053 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 62,386 total views

 62,386 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 67,000 total views

 67,000 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 68,561 total views

 68,561 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 44,979 total views

 44,979 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 56,054 total views

 56,054 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 62,387 total views

 62,387 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 67,001 total views

 67,001 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 68,562 total views

 68,562 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,085 total views

 44,085 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,746 total views

 66,746 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,322 total views

 72,322 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,803 total views

 77,803 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,916 total views

 88,916 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,915 total views

 84,915 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,617 total views

 72,617 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,099 total views

 81,099 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,158 total views

 74,158 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,082 total views

 81,082 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top