1,140 total views
Hindi makakatulong ang pagmimina sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ang binigyang diin ni Alyansa Tigil Mina (ATM) National Coordinator Jaybee Garganera sa ginanap na Year End Thanksgiving Event ng NASSA/Caritas Philippines.
Ayon sa mga datos na nakalap ng ATM sa Mining industriya, sa nakalipas na tatlumpung taon ay hindi ito nakatulong upang lumago ang ekonimiya at ang Gross Domestic product ng bansa.
“Statistics will show whether we look in the past one year or in past three years or in the past 30 years, mining has never contributed more than 1 % of GDP, less than 0.5% in employment and very dismal na revenues,” ayon kay Garganera.
Ayon sa datos ng ATM, ang maliit na porsyentong naitutulong ng mga minahan sa ekonomiya ay dahil sa mababang singil sa buwis na ipinapataw sa mga mining company.
Sinabi ng ATM na lallong tumutubo sa kita ang mga mining companies dahil pinoprotektagan sila ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE LAW .
“Simple lang explanation diyan, dumami ‘yung volume at value ng mina natin pero binabaan kasi natin ‘yung corporate income tax base sa created law. In effect, we are giving more minerals and getting less tax,” pagpapabatid ni Garganera.
Ang pahayag ng ATM ay dahil na rin sa pagtatalaga ng pamahalaan sa industriya ng pagmimina bilang esensyal na hakbang ng naluging ekonomiya ng Pilipinas.
Inihayag ni Garganera na karamihan rin sa mga kasalukuyang rehistradong minahan sa Pilipinas ay pagmamay-ari ng mga Chinese National na ikinikubli sa pamamagitan ng pagiging ‘Filipino Owned Mining Company’.
“So we know Chinese investments and owners are dominant in the mining industry because they need our nickel, and iron, and copper. ‘Yun lang po kasi nagsara ang Indonesia, Indonesia does not export iron and nickel for 2 years now. China needs a source for their iron and nickel and the Philippines is a variable source right now,” ani Garganera.
Sa kaniyang ensiklikal na Laudato si ay nanindigan ang Kaniyang Kabanalang Francisco laban sa pagmimina na sa halip ay makabuti ay mas lalu pang pinaghihirap ang mga mamamayan kaakibat ng pinsalang idinudulot sa kalikasan