328 total views
Hinimok ng opisyal ng Vatican ang mga Filipino na patuloy ipagdiwang ng Pasko na nakatuon kay Kristo.
Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop John Brown, hindi maaring ipagpalit sa secular na pagdiriwang ang Pasko lalo’t ang dahilan ng pagdiriwang ay ang kapanganakan ng manububos ng sangkatauhan.
‘Santa Claus, Frosty the Snowman, these things are nice, but they are completely secondary, inputting charitably to the message of Christmas, it’s not about Rudolf the red nose reindeer, but the birth of the baby Jesus in Bethlehem,’ ayon kay Archbishop Brown sa programang Pastoral visit on-the-air ng Barangay Simbahayan.
Ipinahayag din ng nuncio ang paghanga sa pananampalataya ng mga Filipino sa pagpapatuloy ng tradisyon nang pagdiriwang gayundin ang paglalagay ng ‘Belen’ at ‘Parol’ bilang mga palamuti sa tahanan na sumisimbolo sa pagsilang ng Panginoon.
Hindi naman sang-ayon ang arsobispo na tubong Estados Unidos sa isang ‘dradt’ ng panukala sa kanilang bansa sa mungkahing tanggalin ang pagbati ng ‘Merry Christmas’ sa halip ay palitan ng ‘Happy Holidays’.
Ayon sa mungkahi, ito ay bilang paggalang sa mamamamayan na hindi binyagan o mga Kristiyano.
‘That a kind of an intolerance, a mistaken idea of tolerance it becomes an intolerance. So, we all need to say happy Christmas and continue that beautiful tradition,’ ayo pa sa arsobispo