Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paghandaan ang nagbabadyang panganib

SHARE THE TRUTH

 186 total views

Mga Kapanalig, halos sunud-sunod ang magagandang balita tungkol sa bumababa nang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa. Habang isinusulat ang editoryal na ito, 370 ang naitalang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-10, malayo sa halos libo kada araw nitong mga nakaraang buwan. Umabot na sa halos 40 milyong Pilipino o 36% ng populasyon ng bansa ang fully vaccinated na. Nagsimula na ring mag-ulat ng zero COVID-19 cases ang ilang ospital, bayan, at lungsod. Kasalukuyang nasa “very low risk” para sa COVID-19 ang Metro Manila.

Ngunit kung kailan naman dahan-dahan nang bumubuti ang kalagayan natin dahil na rin sa iba’t ibang pagsisikap upang mapigilan ang COVID-19, may bago na namang “variant of concern” na naitala ang World Health Organization noong nakaraang buwan. Bagamat kapansin-pansing mas mabilis nang nagpatupad ng travel ban ang ating gobyerno sa mga bansang nakapagtala na ng Omicron variant, sinabi ng Department of Health na hindi maaaring isara ang borders ng Pilipinas nang walang katiyakan kung hanggang kailan, kaya’t hindi raw maiiwasang pumasok sa bansa ang bagong variant. Upang makontrol ang pagkalat ng Omicron variant, inilagay na ng Pilipinas ang 14 bansa sa “red list” nito ng mga bansang may high risk ng COVID-19.

Ayon naman sa OCTA Research, isang pribadong grupo ng mga manananaliksik at ekspertong nagbibigay ng mga payong may kaugnayan sa pandemya, hindi raw kailangang alalahanin ng mga tao ang bagong variant, at sa halip ay dapat ipagdiwang ang paparating na Pasko. Ayon sa isa sa mga miyembro ng OCTA Research Team, kahit na tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa ibang bansa dahil sa bagong variant, hindi naman daw tumataas ang bilang ng mga naoospital, hindi katulad ng Delta variant. Ito ang balitang nais nating marinig dahil nagbibigay pag-asa ito sa ating mapagtatagumpayan natin ang pandemya. Ngunit hindi pa rin ito dahilan upang maging kampante ang publiko, lalung-lalo na ang mga kinauukulan.

Ano naman ang paghahandang gagawin ni Pangulong Duterte? Sinabi niyang gusto niyang barilin at patayin ang bagong natuklasang COVID variant. Hindi natin alam kung mapapanatag at mapapalagay tayo sa ganitong salita mula sa pinakamataas na lider ng bansa. Bagamat umaasa at ipinapanalangin daw ng pangulong hindi makarating sa Pilipinas ang Omicron variant, kasabay dapat nito ang mga konkretong desisyon gaya ng agarang pagpapatupad at paghihigpit ng travel bans at pagpapaigting sa mga vaccination drives upang tunay na mapaghandaan ang variant na ito at kung mayroon pang mga susunod.

Sa ensiklikal na Rerum Novarum, binibigyang-diin ni Pope Leo XIII na dapat laging itinataguyod ng mga pinuno ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng lahat ng kanilang pinamumunuan. Umiiral ang pamahalaan at ang mga namumuno rito dahil sa bayang kanilang pinaglilingkuran, kaya’t kabutihan ng mga mamamayan ang dapat na pinagtutuunan ng pansin at pinahahalagahan ng gobyerno. Maagap dapat ang pagtugon ng ating pamahalaan sa anumang krisis na ating kinakaharap, lalo na ang krisis pangkalusugan.

Walang mali kung magiging positibo tayo sa ating pagtingin sa kalagayan natin ngayon, ngunit hindi ibig sabihin nito ay maging kampante tayo at ang ating mga lider. Sa dalawang taong pakikipagbuno natin sa COVID-19 at sa mga naging epekto nito, marami na tayong mga aral na dapat natutunan. Upang tunay na maging maganda ang susunod na taon, mahalaga ang mga hakbang na gagawin ng ating pamahalaan lalo na sa usapin pa rin ng mass testing, contact tracing, vaccination at pagpapalakas sa kapasidad ng mga ospital.

Mga Kapanalig, gaya ng bilin sa atin sa Timoteo 2:2, “ipanalangin ninyo ang mga hari at mga may kapangyarihan para makapamuhay tayo nang tahimik at mapayapa na may kabanalan.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 40,210 total views

 40,210 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 54,866 total views

 54,866 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 64,981 total views

 64,981 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 74,558 total views

 74,558 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 94,547 total views

 94,547 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 40,211 total views

 40,211 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,629 total views

 3,629 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 54,867 total views

 54,867 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 64,982 total views

 64,982 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 74,559 total views

 74,559 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 94,548 total views

 94,548 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,535 total views

 49,535 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,560 total views

 44,560 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 48,129 total views

 48,129 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,584 total views

 60,584 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,651 total views

 71,651 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,970 total views

 77,970 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,580 total views

 82,580 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 84,140 total views

 84,140 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,701 total views

 49,701 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top