Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Palakasin ang siyensya sa bansa

SHARE THE TRUTH

 173 total views

Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, umabot na sa halos 39 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. Nagsimula na rin ang pagbibigay ng booster dose upang mas palakasin ang kakayanan ng katawan natin laban sa iba pang variants ng virus. Samantala, ilang linggo na ring mababa sa isang libo ang bilang ng mga bagong kaso ng mga nag-positive, at ang active cases natin ngayon ay maikukumpara sa naitala noong mga unang buwan ng pandemya.  Ayon sa Department of the Interior and Local Government (o DILG), nakamit na ng 23 siyudad ang tinatawag na herd immunity kung saan 70% ng target na populasyon ang fully vaccinated na. Ito ang itinuturong dahilan kung bakit pababa ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 na hudyat naman ng pagluluwag ng mga restrictions at pagpayag na lumabas ang mas marami sa atin.

Kung inyong matatandaan noong nagsisimula ang pagdami ng mga kaso ng mga nagpopositibo, malakas din ang panawagan upang mabilis na bakunahan ang mga Pilipino upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Ngunit hindi iyon naisagawa ng ating pamahalaan dahil na rin sa kakulangan ng suplay ng bakuna sa buong mundo. Inuna rin ng mayayamang bansa ang kani-kanilang mga mamamayan sa mga prayoridad nilang bigyan ng bakuna, kaya naantala ang paghahatid ng bakuna sa mga maliliit at mahihirap na bansang katulad natin.

Ang equitable distribution o patas na access ng mga bansa sa mga bakuna ang matagal nang binibigyang-diin ni Pope Francis. Sa kanyang mensahe noong Pasko ng nakaraang taon, hiniling ng Santo Papa sa mga lider ng mga bansang magtulungan sa pamamahagi ng bakuna at bigyang prayoridad ang mga mamamayang isinasantabi at iniiwan sa kani-kanilang bansa. Sa ganitong paraan, tunay na maitataguyod ang dignidad ng tao at naisasabuhay ang pagkiling sa mahihirap, mga batayang prinsipyo sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan.

Marami naman tayong natanggap na donasyong bakuna mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng COVAX facility ng World Health Organization (o WHO). Ngunit mas marami ang bakunang binili ng pamahalaan, at malaki ang ginastos natin para sa mga ito. Ang ipinagmamalaking dalawang milyong doses na donasyon ng pamahalaan mula sa China ay kakatiting lamang kung ikukumpara sa 52 milyong doses na binili natin.

At alam ba ninyong tanging ang Pilipinas lamang sa buong Asya ang bansang hindi nagpo-produce ng bakuna para sa sarili nitong populasyon? Ayon iyan sa Balik Scientist ng Department of Science and Technology (o DOST). Malaki sana ang matitipid natin kung sa mismong bansa natin ginagawa ang mga bakuna, hindi lamang para sa COVID-19 kundi para sa iba pang sakit na maaaring maiwasan. Magbibigay din ito ng suporta sa mga Pilipinong dalubhasa at siyentipiko upang linangin ang kanilang kaalaman sa sarili nilang bayan para sa kapakinabangan ng kanilang mga kababayan. Kaya naman, itatatag ng ating pamahalaan ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines na magsisilbing research facility kung saan tututukan ang iba’t ibang virus at ang mga sakit na dala ng mga ito upang makalikha ng angkop na bakuna. Magandang balita ito at sana ay mabigyan ito ng sapat na suporta ng pamahalaan.

Mga Kapanalig, hindi pa natin nakikita ang pagtatapos ng pandemya, at tiyak na may mga susulpot pang mga sakit sa mga susunod na panahon. Kaya marapat lamang na palakasin natin ang larangan ng siyensya sa ating bansa kung gusto nating tunay na maging matatag sa harap ng mga krisis pangkalusugan. At mahalagang nabibigyan ng pagkakataon ang ating mga mahuhusay na siyentipikong linangin ang kaalamang ayon nga sa Mga Kawikaan 2:6 ay bumubukal sa karunungang kaloob ni Yahweh.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 38,692 total views

 38,692 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 53,348 total views

 53,348 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 63,463 total views

 63,463 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 73,040 total views

 73,040 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 93,029 total views

 93,029 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 38,693 total views

 38,693 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,524 total views

 3,524 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 53,349 total views

 53,349 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 63,464 total views

 63,464 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 73,041 total views

 73,041 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 93,030 total views

 93,030 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,386 total views

 49,386 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,411 total views

 44,411 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,980 total views

 47,980 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,435 total views

 60,435 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,502 total views

 71,502 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,821 total views

 77,821 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,431 total views

 82,431 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,991 total views

 83,991 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,552 total views

 49,552 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top