Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 377 total views

Mga Kapanalig, ngayong Pasko, uso na naman ang bigayan ng aginaldo, at tiyak na magtatatalón sa saya ang sinumang makatatanggap ng sanlibong piso. Maaaring bihira ito ngayon dahil sa hirap ng buhay, kaya suwerte talaga kung ganito kalaki ang aginaldo mula kina ninong at ninang.

Ngunit sumagi na ba sa isip ninyo kung sinu-sino ang mga mukhang nakaimprenta sa ating sanlibong piso? Sila sina Jose Abad Santos, Josefa Llanes-Escoda, at Vicente Lim.

Si Jose Abad Santos ay nagsilbing chief justice ng ating Korte Suprema. Ipinag-utos na patayin siya ng mga Hapón matapos niyang tumangging sumumpa ng katapatan at makipagtulungan sa mga mananakop.

Si Vicente Lim naman ay isang brigadier general na tumanggi ring sumuporta sa pagkontrol ng Japan sa ating bansa noon. Nagalit sa kanya ang mga mananakop matapos niyang sabihing mas gugustuhin niyang mamatay kaysa sa traydorin ang bayan. Sinuportahan niya ang mga grupong lumalaban sa mga Hapón, lalo na sa tinaguriang Battle of Bataan. Ngunit nadakip siya at iniutos na bitayin kasama ng limampu pang resistance fighters.

Ang nag-iisang babae sa salaping ito ay si Josefa-Llanes Escoda. Siya ang nagtatag ng Girl Scouts of the Philippines. Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon, tumulong sila ng kanyang asawa sa mga Pilipino at Amerikanong sundalong ikinulong sa mga concentration camps. Ngunit sila ay inaresto at ikinulong sa Fort Santiago kung saan sila naiulat na pinatay.

Tatlo lamang sila sa mga bayaning Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II. Tatlo lamang sila sa mga Pilipinong tumindig laban sa mga mananakop at nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan. Ang ilagay ang kanilang mga mukha sa ating salapi ay maliit ngunit malalim na pag-alala sa kanilang kabayanihan at pagtanaw ng utang na loob sa kanilang kabayanihan.

Ngunit nabalitaan ninyo marahil ang announcement ng Bangko Sentral ng Pilipinas (o BSP) na baguhin ang disenyo ng sanlibong piso. Papalitan ang mga mukha nina Jose Abad Santos, Vicente Lim, at Josefa Llanes-Escoda ng larawan ng agila. Para sa ilang mambabatas, ang hakbang na ito ng BSP ay maituturing daw na pagbura sa alaala ng mga Plipino sa pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani. At hindi malayong gawin din ito sa iba pang pera natin katulad ng limandaang piso, lalo pa’t laganap na laganap ngayon ang disinformation o pagbabaluktot sa mga totoong nangyari sa ating kasaysayan para lamang gumanda at bumango ang pangalan ng mga tao at pamilyang nagnakaw sa kaban ng bayan, umabuso sa mga karapatang pantao, at sakim sa kapangyarihan. Tikom naman ang bibig ng BSP tungkol sa desisyong palitan ang mga mukha sa ating sanlibong piso. Sinabi lamang nila na bahagi ito ng pagpapalit ng materyales na ginagamit sa paggawa ng perang papel.

Sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, sinabi ni Pope Francis na nababahala siya sa mga nagsasabi sa mga tao, lalo na sa kabataan, na kalimutan na ang kanilang kasaysayan, na iwan na ang mga naging karanasan ng kanilang mga ninuno, at talikuran na ang nakaraan at tingnan na lamang ang kanilang hinaharap. Para sa Santo Papa, gawain ito ng mga taong nais pasunurin ang mga tao sa kung ano ang kanilang sasabihin at paniwalaing sila lamang ang tama at totoo. Dapat tayong maging mapagbantay sa mga nais baguhin at burahin ang ating kasaysayan kahit sa simpleng perang papel.

Mga Kapanalig, ang alaala ng ating mga bayani ay, katulad ng mababasa sa Mga Kawikaan 10:7, “alaala ng matuwid” na dapat manatili kailanman. Maaaring maliit na bagay lang para sa iba ang palitan ang disenyo ng ating salapi, ngunit huwag nating isawalambahala ang mga layuning nais baguhin ang kasaysayan at limutin ang mga tunay na bayani.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 12,204 total views

 12,204 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 17,791 total views

 17,791 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 23,307 total views

 23,307 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 34,428 total views

 34,428 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 57,873 total views

 57,873 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 12,205 total views

 12,205 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 17,792 total views

 17,792 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 23,308 total views

 23,308 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 34,429 total views

 34,429 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 57,874 total views

 57,874 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 63,454 total views

 63,454 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 71,937 total views

 71,937 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 64,996 total views

 64,996 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 71,920 total views

 71,920 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 69,014 total views

 69,014 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 79,515 total views

 79,515 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 94,588 total views

 94,588 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 100,552 total views

 100,552 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 104,699 total views

 104,699 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 113,974 total views

 113,974 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top