Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 984 total views

Homiliya para sa pang-anim na Simbang Gabi, Martes ng ika-apat na Linggo ng Adbiyento, Lukas 1:5-25

Malinaw ang dahilan kung bakit sa taóng ito, mga journalists ang ginawaran ng Nobel Peace Prize. Isa kasi sa mga pundasyon ng matatag na demokrasya sa daigdig ay ang malayang pamamahayag. Iyon din ang dahilan kung bakit isa sa mga pinakamapanganib na trabaho ngayon sa mundo ay ang pamamahayág. Sa Ingles, merong expression para doon sa madalas gawin ng ibang mga authoritarian governments na galit sa malayang pamamahayag: “SHOOT THE MESSENGER.” Ang simpleng solusyon nila kapag di na nila masupil ang malayang pamamahayag ay ang iligpit ang mga mamamahayag.

Kasalukuyang nangyayari ito sa maraming mga bansa na kontrolado ng mga diktador, o mga gubyernong hindi lehitimo ang awtoridad, iyong tipon idinaan sa kudeta o dinayang eleksyon, o batas militar tulad ng nangyayari ngayong kasalukuyan sa Myanmar. Nangyayari din ito sa mga bansang demokratiko kung saan ang mga lider gubyerno ay may pagkiling sa authoritarian rule at walang paggalang sa batas.

Ganoon ang nangyari sa ating bansa noong 1972. Dahil papatapos na ang second term ng presidente noon, ayaw na niyang magbitiw sa pwesto. Ipinailalim ang buong bansa sa martial law para daw madisiplina tayo at masupil kuno ang pagkalat ng komunismo. Inabolish ang Konstitusyon at ipinasara ang Kongreso. Ipinailalim tayo sa dictatorship at gumawa ng sariling Konstitusyon ang diktador para manatili sa puwesto bilang illegitimate president sa loob ng 14 years.

Sapilitang ikinandado noon ang 292 radio stations, 7 sa pinakamalalaking TV stations, at 16 na national daily newspapers, 66 community newspapers at 11 weekly magazines. Biglang nawala ang kalayaan sa pamamahayag. Basta critical sa gubyerno, nirered-tag. Tinatawag na “subersibo o komunista” ang sinumang taong magsabi ng totoo tungkol sa tunay na ginagawa ng gubyerno. Inaaresto na walang warrant, ikinukulong na walang due process. Ang iba ipinadadampot at “sinasalvage”. Iyon ang dating bokabularyo para sa EJK. Ang iba, kahit bangkay hindi na nakita. Walang “human rights human rights noon.” Kamay na bakal.

Sa araw na ito ang focus ng reflection natin ay ang papel na ginampanan ng arkanghel na si Gabriel, bilang Messenger or Tagapahayag ng kalooban ng Diyos.

Hindi lang sa New Testament nababasa ang papel na ito ni Gabriel. Naroon din siya sa Old Testament, sa Book of Daniel. Ang trabaho niya ay hindi lang magpahayag. Kasama na rin ang pagpapaliwanag at pagpapaunawa sa ipinahahayag na balita. Hindi pa lubos ang gawain niya hangga’t hindi pa kusang-loob na tinatanggap ng binabalitaan ang katotohanang hatid niya.

Sa chapter 8 ng aklat ni Daniel, nakakita daw ng isang vision o pangitain si Daniel at humiling siya na ipaunawa sa kanya ang kahulugan ng ipinakita sa kanya. Sino ang magpapaliwanag? Si Gabriel.

Sa Chapter 9 naman, nagbabasa ng Banal na Kasulatan ang propeta mula sa Aklat ni Jeremias. Pilit niyang inuunawa ang salita ng propeta tungkol sa 70 taon na pagkakabihag ng Israel. Ang magbibigay paliwanag ay walang iba kundi si Gabriel din.

Sa chapter 10 humiling pa daw ng tulong si anghel Gabriel kay Saint Michael sa gitna ng matinding labanan sa pagitan ng mabuti at masama.

Madali-dali ang gawain kapag ang kausap ng anghel ay katulad ni Mama Mary. Ito ang reading natin kahapon. Kapag attentive at bukas ang puso ng binabalitaan tungkol sa kalooban ng Diyos. Kaya sa huling linya ng ebanghelyo kahapon, sabi ni San Lukas, “At iniwan siya ng anghel.” Ibig sabihin, “mission accomplished.”

Pero dito sa kaso ni Zacarias, medyo nahirapan itong ating messenger. Ang reaksyon ni Zacarias ay pagkabigla, pagkatakot, pag-aalinlangan o pagdududa. Nasa loob siya ng templo, nagseserbisyo, pero wala doon ang puso niya. Kaya hindi pa “mission accomplished.”

Kung minsan, imbes na ang tagapagbalita ang tatahimik, ang kailangang manahimik ay ang binabalitaan. Mahirap tumanggap ng mabuting balita ang tao kapag gulong-gulo ang isip niya. Kinailangan pa niyang maghintay ng takdang panahon upang makitang hindi nagbibiro o nagsisinungaling sa kanya ang Messenger.

May mga tao kasi na kapag naloko na silang minsan parang wala nang gustong paniwalaan. Iniisip nila lahat manloloko, hindi maaasahan ang mga pangako. Kaya sumusugal na lang sila dahil sa kalituhan. Bahala na, doon na sila sa mas matunog sa survey o mas popular sa social media. Doon na sila sa may instant solusyon sa mga problema o may pinangangakong ginto.

Ito ang panahon na kailangang bitawan muna ang cell phone, tumahimik muna, huwag magpadalos-dalos sa desisyon, lalo na’t kinabukasan ng bansa ang nakasalalay. Ito ang panahon na kailangang gamitin natin ang talino, dagdagan ang pakikinig sa mga mapagkakatiwalaan, mag-isip na mabuti, makilatis ang mga hangarin at umasa sa mga totoong mamamahayag, hindi sa mga bayarang trolls, hindi sa mga experto sa pagpapakalat ng pekeng balita.

Ang magiging trabaho ng bata sa sinapupunan ni Elisabeth ay ang trabahong Messenger din. Walang ipinagkaiba sa gawain ni Gabriel na tagapamahayag ng katotohanan. Pahayag na hindi rin ikatutuwa ng mga kinauukulan na nasa kapangyarihan. Kaya pareho din ang naging solusyon ni Herodes Antipas nang di niya masupil ang message ni Juan Bautista: “Shoot the Messenger.” Kaya pinugutan siya ng ulo, para mapatahimik siya.

Kaya napraning na si Herodes nang akala niya ang propetang pinugutan niya ng ulo ay nabuhay na mag-uli kay Hesus ng Nazareth. Ang mensaheng pilit na pinatatahimik ng mga Herodes at Pilato sa pamamagitan ng pagpaslang sa mga Tagapamahayag ng katotohanan ay lalong lumalakas at umaalingawngaw, kahit hindi gumamit ng nakaw na pondo para umupa ng libo-libong trolls na magkakalat ng pekeng balita.

Katotohanan ang magpapalaya sa inyo, wika ng Panginoon sa kanyang mga alagad. Katotohanan ang nagpalaya sa naumid na dila ni Zacarias sa bandang huli. Katotohanan din ang magliligtas sa ating bayan ngayon mula sa pagkapariwara.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Agri transformation

 15,717 total views

 15,717 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 26,763 total views

 26,763 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »

Political Mudslinging

 31,563 total views

 31,563 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »

Buksan ang ating puso

 37,037 total views

 37,037 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 42,498 total views

 42,498 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 8,218 total views

 8,218 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 10,348 total views

 10,348 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 10,348 total views

 10,348 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 10,349 total views

 10,349 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 10,345 total views

 10,345 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 11,218 total views

 11,218 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 13,419 total views

 13,419 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 13,452 total views

 13,452 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 14,806 total views

 14,806 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,902 total views

 15,902 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 20,110 total views

 20,110 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 15,828 total views

 15,828 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 17,198 total views

 17,198 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 17,460 total views

 17,460 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 26,153 total views

 26,153 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top