Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 228 total views

Homiliya Para sa Pang-siyam na araw ng Simbang Gabi, Biyernes ng Ikaapat na Linggo ng Adbiyento, Lukas 1:67-79

Minsan tinanong ko ang isang obispong nakatatanda nang kaunti sa akin at itinuturing kong isang “role-model”, kung ano ba ang sikreto niya at mukhang kahit gaano kabigat o karami ng mga responsibilidad niya, parang cool lang siya, hindi mukhang “stressed out”. Sabi niya, siyempre DASAL. Pero dasal na may kasama daw na ganitong attitude—“Hindi ko naman trabaho ito; trabaho ng Diyos. Nakikitrabaho lang ako sa kanya. Hindi naman hihinto ang pag-ikot ng mundo pag nakatulog ako, o nagkasakit, o pumalpak, o namatay.”

Parang ganito ang dating sa akin ng mensahe ng mga readings natin ngayon. Sa ating first reading mula sa 2nd book of Samuel, nahihiya daw si King David sa Panginoon dahil siya, bilang hari ng Israel, ay nakatira sa isang palasyo. Pero ang Diyos na hari ng sanlibutan, ang tirahan niya ay isang tolda lamang. Kaya kinausap niya ang propetang si Natan at sinabi sa kanya ang balak niya na ipagtayo ng bahay ang Diyos, isang templo. Sumang-ayon naman ang propeta sa kanya nang ganito, “Isagawa mo ang iyong iniisip dahil ang Panginoon ay sumasaiyo.” (2Sam 7:3)

Pero nang gabing iyon, nagsalita daw ang Panginoon kay propetang Natan at ipinaabot ang mensahe kay Haring David, “Ipagtatayo mo ako ng bahay? Hindi. Baligtad. Ako ang magtatayo ng bahay para sa iyo.” (2Sam 7:5,11) At ang tinutukoy niyang bahay ay ang paghahari ng kanyang angkan na gagawing matatag ng Panginoon at mananatili magpasawalang-hanggan. The eternal house or dynasty of David.

Sa ebanghelyo naman, parang ganito rin ang mensaheng hindi agad pinaniwalaan ni Zacarias at naghintay pa ng siyam na buwan bago niya lubos na naunawaan. Ang buong buhay kasi niya ay naging parang mekanikal na, isang paulit-ulit na gawain sa loob ng templo—katulad ng pag-aalay ng insenso at pagkatay ng mga hayop para sa susunuging handog.

Pero nang sandaling iyon na mabigkas ni Zacarias ang pangalan ng anak niya, binigkas din niya ng isang awit ng papuri (ang Benedictus). Isang pagkilala sa mapagpalang kamay ng Panginoon sa kasaysayan ng kanyang bayan—kung paano niya sila nilingap at pinalaya, kung paano siya nagsugo ng kanyang hinirang na magliligtas sa kanilang bayan mula sa kanilang mga kaaway, kung paano niya tinupad ang pangako niya kay Abraham at kay David, at kung ano ang magiging bahagi o papel ng anak niya sa pagliligtas na gagawin ng Panginoon.

Kung minsan kasi, masyado tayong abala sa gusto nating gawin para sa Diyos, mga plano at proyekto na tayo lang ang may gusto at hindi naman niya hinihingi sa atin. Akala natin ginagawa natin para sa kanya pero para din lang pala sa sarili natin, hindi talaga para sa kanya.

Hindi kaya magpahanggang ngayon, ganoon pa rin ang hinaing ng Diyos laban sa atin? Hindi kaya kung minsan ang Diyos na sinasamba natin ay projection lang ng sariling kagustuhan natin? Hindi kaya talagang inaakala ng marami sa atin na maikukulong nila ang Diyos sa loob ng isang eskaparate, o maikakandado sa loob ng ating mga simbahan? Hindi kaya parang ang mensahe natin sa kanya ay, “Panginoon, diyan ka lang sa loob ng simbahan. Aalayan kita ng bulaklak, titirikan ng kandila, pauusukan kita ng insenso at hahandugan ng mga regalo. Pero diyan ka lang ha, kami na lang ang bahala, huwag mo na lang pakikialaman ang mga buhay namin, ang gawain namin, ang klase ng lipunan na balak naming buuin.”

Ganito rin ang punto ng propeta Isaias nang tawagin niyang walang kabuluhan ang mga ginagawa ng mga tao sa templo. Sa mas simpleng salita, parang ganito ang kanyang sinasabi, “Lumalapit nga kayo sa aking templo upang kumatay ng mga tupa, kambing at baka…habang hinahayaan ninyo paslangin ang inyong kapwa na parang mga hayop! Sino ang may sabing natutuwa ako sa mga ginagawa ninyo? Nasusuklam ako sa pagsamba ninyo. Hindi ko pakikinggan ang panalangin ninyo. Punong-puno ng dugo ang mga kamay ninyo. Maghugas muna kayo ng budhi. Labanan ninyo ang katiwalian, panindigan ang tama at totoo, pumanig sa katarungan, ipagtanggol ang mga kinakawawa, pakinggan ninyo nang may habag ang hinaing ng mga dukha, lalong lalo na ang mga balo at ulila.” (Isaias 1:11-17)

Ito ang gawain ng Diyos. Ito ang kaligtasang hangad niya. Dito tayo magsimula kung ibig nating sambahin ang ngalan niya, mapasaatin ang kaharian niya at sundin ang loob niya.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 42,610 total views

 42,610 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 57,266 total views

 57,266 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 67,381 total views

 67,381 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 76,958 total views

 76,958 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 96,947 total views

 96,947 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,554 total views

 7,554 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,684 total views

 9,684 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,684 total views

 9,684 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,685 total views

 9,685 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,681 total views

 9,681 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,554 total views

 10,554 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,755 total views

 12,755 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,788 total views

 12,788 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 14,142 total views

 14,142 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,238 total views

 15,238 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,447 total views

 19,447 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 15,165 total views

 15,165 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,535 total views

 16,535 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,797 total views

 16,797 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,490 total views

 25,490 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top