227 total views
Aging o tumatanda, kapanalig, ang karamihan sa mga populasyon ng Asya at Pasipiko. Ayon nga sa isangĀ pag-aaralĀ mula sa Asian Development Bank, nadagdagan pa ng halos pitong taon ang average life span sa rehiyon. Mula 57.2 noong 1990, 63.8 na ito noong 2017.Ā Sa Southeast Asia, ayon naman sa World Health Organization, ang average life expectancy ayĀ 71.4. Nasa 71 din ang average life expectancy sa ating bayan.
May dalang biyaya at hamon ang aging sa ating bansa, kapanalig. Napakagandang regalo ito sa atin dahil nangangahulugang mas matagal tayong magsasama-sama bilang isang pamilya. Mas marami ring panahon ang ating mga elderly na makapag-enjoy ng kanilang buhay at maibahagi pa sa susunod na henerasyon ang kanilang kaalaman at karanasan. Sa kanilang mas mahabang buhay, nakikita rin natin na mas maayos na ang nutrisyon at healthcare sa bayan, at nagiging mas maalaga na rin ang lipunan sa mga elderly.
May dala ring hamon ang mabilis na aging sa ating lipunan. Unang una, siyempre ang suporta mula sa pamilya. Dahil nga tumatanda, marami ang nawawalan ng trabaho, at kung magka-pensyon man, mas maliit pa ito minsan sa sweldo. Kung ang senior ang breadwinner sa pamilya, kulang na ang pangsuporta niya sa pamilya. At syempre, dahil nga saĀ matanda na, kailangan din niya ng suporta.
Hindi lamang sa budget ng pamilya may implikasyon ang drastic aging sa Asya. Kailangan ding mag-adjust ng budget para sa nagbabagong demograpiko ng mga bansa. Kapag mas madami ang elderly kaysa sa mga bilang ng mga nagbabayad ng buwis, bitin ang budget ng bayan-budget na magagamit para sa healthcare, education, pension, at imprastraktura para sa lahat. Kaya napakahalaga ng kahandaan, hindi lamang sa lebel ng pamilya, kundi sa komunidad, at maging sa buong bayan.
Nagbabago man ang demograpiko, may bagong instrumento naman na natataguyod ang lipunan upang matugunan ang mga hamong dala nito. Dahil sa teknolohiya at edukasyon, ang mabilis na pagtanda ng populasyon sa Asya ay isang āboonā sa ating ekonomiya. Sa ating bayan, malaking ganansya ito, lalo paāt mataas ang ating literacy rate (98.2%) at mataas din ang bilang ng mga mamamayan na gamay ang internet. Dahil sa teknolohiya, mas maraming job opportunities na ang nagbubukas para sa mga seniors. Malaking oportunidad ito upang mapahaba at mapanatili ang mga seniors sa work force ng bayan.
Sana ay makita natin at magamit ang window of opportunity na ito para sa kabutihan ng ating seniors. Marami sa kanila ay nais pang maging aktibo sa lipunan, at siyempre, kumita rin kahit papaano. Ang paglilinang ng teknolohiya para sa kanilang kagalingan ay kabutihan para sa balana.Ā Ito ay repleksyon na umiiral ang panglipunang katarungan sa ating bansa. At ayon sa Economic Justice for All: The guaranteeing of basic justice for all is not an optional expression of largesse but an inescapable duty for the whole of society.
Sumainyo ang Katotohanan.