Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga Herodes sa loob ng tahanan

SHARE THE TRUTH

 208 total views

Mga Kapanalig, inilarawan ni Pope Francis ang tumataas na bilang ng mga kaso ng domestic violence o pang-aabuso sa loob ng tahanan bilang “almost satanic”, halos gawain ng demonyo. Sinabi niya ito sa isang panayam noong isang linggo kung saan kasama niya ang isang babaeng biktima ng domestic violence na umalis sa poder ng kanyang mapanakit na asawa ngunit ngayon ay walang hanapbuhay at tirahan.

Bakit daw ito “satanic”? Paliwanag ng Santo Papa, ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga babae at kanilang mga anak ay nagpapakita ng pagsasamantala sa kahinaan ng mga taong hindi kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Kahiya-hiya ito, dagdag pa niya.

Dahil sa pandemya, napilitan tayong manatili nang mas matagal sa ating mga bahay, at sa ganitong mga pagkakataon, nagiging target ng iba’t ibang porma ng pananakit at pang-aabuso ang mga misis at ang mga musmos. Matindi na nga ang epekto sa kalusugan ng kanilang isip (o mental health) ang mga pagbabawal sa paglabas at pagpunta sa mga lugar kung saan sila makapagpapahinga at makapaglilibang, nakadadagdag pa ang pisikal at emosyonal na sakit na dala ng karahasang ginagawa ng mismong mga kapamilya ng mga babae at bata. Wala pa man ang pandemya, tatlo sa limang batang Pilipino ang nakaranas ng physical at psychological violence, habang isa sa lima naman ang sekwal na inabuso. Mula ang mga datos na ito sa National Baseline Study on Violence Against Children na ginawa noong 2016.

Lumalabas naman sa latest na ulat ng gobyerno na bumaba pa ang bilang ng mga naitatalang kaso ng domestic violence sa mga unang buwan ng pandemya. Bumaba raw nang mahigit 50% ang mga nai-report sa mga Women and Children Protection Units. Ngunit hindi nito nangangahulugang bumaba ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso at pananakit sa loob ng mga tahanan. Dahil sa mga restrictions nga sa paglabas ng mga tao, hindi na lang nagpupunta ang mga biktima sa mga kinauukulan upang mag-report at humingi ng tulong. Gayunman, nangangailangan ng masusing pag-aaral at pangangalap ng datos upang malaman kung gaano kalawak at katindi ang problemang ito sa ating bansa.

Sa isang survey naman na ginawa ng NGO na Oxfam Pilipinas, lumabas na 3% lamang ng mga kalahok ang nagsabing mayroon silang access sa mga tinatawag na gender-based violence desks. Sa mga ito maaaring dumulog ang mga biktima ng karahasan, ngunit dahil sa pandemya at mga kalamidad katulad ng bagyo, maraming babaeng biktima ng domestic violence ang nawalan ng access sa mahalagang serbisyong ito. Lumabas din sa survey na halos kalahati ng mga lumahok ang nagsabing wala naman silang nalalamang maaaring mapuntahan para sa suporta sakaling sila o ang kakillala nilang babae ay mabiktima ng pang-aabuso.

Sa tindi ng krisis na dala ng pandemya, nakakaligtaan na natin ang iba pang hirap na nararanasan ng mga kapatid nating ayon nga kay Pope Francis ay walang kakayanang ipaglaban ang kanilang mga sarili. Ang mas nakalulungkot, nangyayari ang pang-aabuso at pananakit sa kanila sa loob ng bahay, sa lugar kung saan sila dapat nakararamdam na sila ay ligtas at kinakalinga.

Mga Kapanalig, ginugunita natin ngayon sa Simbahan ang pagiging martir ng mga sanggol na ipinapatay ni Herodes dahil sa takot sa pagdating ni Hesus. Kakila-kilabot ang pagsasalaysay tungkol dito sa Mateo 2:1-18. May mga Herodes din sa loob mismo ng ating mga tahanan. Sila ang mga taong ang turing sa mga babae at bata ay mga pag-aaring pwedeng saktan. Huwag nating ipikit ang ating mga mata kapag may malaman tayong kaso ng pangmamaltrato sa mga babae at bata sa ating komunidad. Huwag tayong magdalawang-isip na tulungan sila at ipadamang hindi sila pinapabayaan ng Diyos.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 34,223 total views

 34,223 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 48,879 total views

 48,879 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 58,994 total views

 58,994 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 68,571 total views

 68,571 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 88,560 total views

 88,560 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 34,224 total views

 34,224 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,246 total views

 3,246 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 48,880 total views

 48,880 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 58,995 total views

 58,995 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 68,572 total views

 68,572 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 88,561 total views

 88,561 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,992 total views

 48,992 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,017 total views

 44,017 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,586 total views

 47,586 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,041 total views

 60,041 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,108 total views

 71,108 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,427 total views

 77,427 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,037 total views

 82,037 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,597 total views

 83,597 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,158 total views

 49,158 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top