Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isaalang-alang ang mga manggagawa sa pagbangon

SHARE THE TRUTH

 327 total views

Mga Kapanalig, halos dalawang taon na ang pandemya. Patuloy pa rin ang pagragasa nito hindi lamang sa kalusugan ng mga tao ngunit maging sa ating mga kabuhayan. Bagamat may mga kumpanya nang tuluyang nagpapatupad ng work-from-home setup at ang iba ay pinag-aaralang mag-operate sa ilalim ng mahigpit na health protocols, mayroong mga manggagawang hindi pa rin tuluyang nakababalik sa kanilang paghahanapbuhay.

Ayon sa report ng Asian Development Bank na pinamagatang A Crisis Like No Other – COVID-19 and Labor Markets in Southeast Asia, kabataan at kababaihan ang pinakamatitinding biktima ng kawalan ng trabaho dulot ng pandemya sa Timog-Silangang Asya. Ang kabataang edad 15 hanggang 24 ay bumubuo sa 15% ng mga manggagawa sa Indonesia, Pilipinas, Thailand, at Vietnam. Halos kalahati (o 45%) ng mga manggagawa sa sektor na ito ang nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.

Karamihan ng kabataan ang apektado dahil karaniwan silang nagtatrabaho sa hotel at restaurants, wholesale at retail trade, o mga sektor na matinding tinamaan ng mga tigil-operasyon dala ng pandemya. Samantala, nahinto sa trabaho ang mga babe dahil sa pangangailangang asikasuhin ang kanilang pamilya sa gitna ng pandemya. Maaaring ito ay pag-aalaga sa mga miyembro ng pamilyang nagkasakit o ‘di kaya ay pagtuturo sa mga anak na kinakailangang mag-distance learning. Ipinapakita nito ang tradisyonal na papel na patuloy na ikinakabit sa kababaihan bilang mga taga-alaga sa tahanan.

Dagdag pa ng report ng ADB, pinatindi ng pandemya ang hindi pagkakapantay-pantay sa sektor ng paggawa, lalo na sa skilled at unskilled ng mga manggagawa. Dahil sa kawalan ng kasiguruhan at mga banta ng pagsasara o paglipat ng mga kumpanya sa ibang lugar, maituturing na pinaka-vulnerable ang mga manggagawa sa informal na sektor, self-employed, temporary, at maging migrant workers. Sa huli, nirerekomenda ng report na paigtingin ng mga pamahalaan ang kanilang social protection programs upang masigurong may sasalo sa mga manggagawa sa panahon ng krisis. Kinakailangan din ang pamumuhunan sa human capital o sa mga paglinang sa kakayahan ng mga tao mismo, at siguruhin ang isang pagbangong walang iniiwan.

Ipinaaalala sa atin ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang mahalagang papel ng paggawa o trabaho sa pagtataguyod sa dignidad ng tao. Naniniwala ang ating Simbahang ang paggawa ay pamamaraan upang matugunan natin ang ating mga pangangailangan, maipahayag natin ang ating sarili, at makapag-ambag tayo sa lipunang ating ginagalawan. Kaya naman isinusulong ng Santa Iglesia ang karapatang makapagtrabaho ng bawat tao—anuman ang kanilang edad, kasarian, o kakayahan.

Sa gitna ng krisis na dala ng pandemya at ng unti-unti nating pagbangon mula rito, lahat ay may karapatang magtrabaho. Katulad ng sinasabi sa Roma 2:11 na “walang kinikilingan ang Diyos,” ang bawat isa ay kinakailangang magkaroon ng oportunidad na magtrabaho, makatanggap ng sapat na kita, at malaman ang kanilang mga karapatan bilang manggagawa. Pangunahing tungkulin ng pamahalaang siguruhing ang mga patakaran at programa nito ay nakatuon sa kaunlaran ng tao, lalo na ng mga naisasantabi sa lipunan. Sa pangunguna ng pamahalaan at tulong ng mga instistusyong katulad ng Simbahan, kailangan ang mga hakbang na bubuo ng pantay na pagkakataon para makapaghanapbuhay ang lahat at siguruhing walang maiiwan sa ating pagbangon.

Mga Kapanalig, sa unti-unting pagbubukas ng mga ekonomiya, nawa’y maisaalang-alang ang mahalagang papel ng mga manggagawa sa kaunlaran. Ayon nga kay Pope Francis, hindi tayo dapat umahon mula sa krisis na ito na parang katulad tayo ng dati, na parang walang nagbago; mas magiging mabuti tayo o mas magiging masama. bubuti tayo o sasama. Sa susunod na taon at sa ating unti-unting pagbangon, sana piliin nating maging mas mabuting lipunan para sa ating mga manggagawa.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 32,015 total views

 32,015 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,671 total views

 46,671 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,786 total views

 56,786 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 66,363 total views

 66,363 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,352 total views

 86,352 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 32,017 total views

 32,016 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,093 total views

 3,093 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,673 total views

 46,673 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,788 total views

 56,788 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 66,365 total views

 66,365 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,354 total views

 86,354 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,803 total views

 48,803 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,828 total views

 43,828 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,397 total views

 47,397 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,852 total views

 59,852 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,919 total views

 70,919 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,238 total views

 77,238 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,849 total views

 81,849 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,409 total views

 83,409 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,970 total views

 48,970 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top