Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 318 total views

Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos, World Day of Prayer for Peace, 1 Enero 2022

Tinatawag nating INA NG DIYOS si Maria, dahil siya’y INA NG ANAK NG DIYOS. Tingnan muna natin ang Anak, upang maunawaan natin kung bakit tinatawag natin siyang Ina ng Diyos.

Ang sabi ng lider ng isang kontrobersyal na kulto, siya daw ang “Anak ng Diyos.” Ang alam ko lang, kahit nga ang ating Panginoong Hesukristo mismo, hindi niya ipinangalandakan sa publiko na siya’y “Anak ng Diyos”. Hindi niya kasi ugali ang magtaas ng sariling bangko. Ayon sa mga ebanghelista sinasaway pa nga daw niya ang sariling mga alagad niya kapag may tumatawag sa kanyang “Kristo” o “Mesiyas”. Dalawang ulit siyang tinawag na “Anak ng Diyos” ng diyablo upang pabagsakin siya; ngunit hindi ito nagtagumpay. Siya mismo, wala siyang ibinansag sa sarili kundi “Anak ng Tao.” Kinailangan pa muna niyang magdusa, mamatay, muling mabuhay at maisugo ang Espiritu Santo upang makilala siya ng kanyang mga alagad bilang “Anak ng Diyos.” At ang unang kumilala sa kanya bilang Anak ng Diyos ay hindi Hudyo kundi isang sundalong Hentil, isang Centurion, ayon kay San Markos. (Markos 15:39)

Sabi ni San Pablo sa ating second reading, “Sinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae, at namuhay sa ilalim ng kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng kautusan. Sa gayon, tayo’y mabibilang na mga anak ng Diyos.” (Gal 4:4-5) Ibig sabihin, isa lang talaga ang tunay na Anak ng Diyos; lahat tayo’y mga ampon lamang. Hindi natin ito karapatan; ito’y biyayang kaloob ng Diyos sa mga kaibigan at kapanalig ng bugtong na Anak ng Diyos—na isinilang ni Maria.

Kaya nga, sabi pa ni San Pablo, “Upang ipakilalang kayo’y mga anak ng Diyos, pinagkalooban niya kayo ng Espiritu ng kanyang Anak, nang tayo’y makatawag sa kanya ng ‘Ama! Ama ko!’” Dahil sa Espiritu Santong tinanggap natin sa binyag, hindi na daw tayo alipin kundi mga anak na inampon at tagapagmana ng kanyang kaharian, at ito raw ay ayon sa kalooban ng Diyos. (Rom 8:15-16) Ito, mga kapatid, ang mabuting balita ng Pasko ng Pagsilang ng Anak ng Diyos.

Tingnan naman natin ngayon ang INA. Sa araw na ito, pinararangalan natin ang babaeng naging daan upang ang Anak ng Diyos ay isilang bilang Anak ng Tao, at maging ating kapwa-tao. Sa pag-ako ng bugtong na anak ng Diyos sa tao bilang kapatid, nababahaginan ang tao sa biyaya at dangal ng pagiging “Anak ng Diyos.“

Alam kong hindi pa lubos na matanggap ng iba sa ating mga kapatid na Kristiyano ang bansag nating mga Katoliko kay Maria bilang INA NG DIYOS. Naiintindihan ko ang reaksyon na ito. Ako rin,noong kabataan ko pa, itinatanong ko kung paano ba matatawag na Diyos and Diyos kung mayroong nanay na nagsilang sa kanya?

Baka magiging mas malinaw kung bumalik tayo sa orihinal na bansag kay Maria bilang “THEOTOKOS,” “God-bearer.” Ang ibig sabihin, siya lang ang babaeng sabay na “nagdalang-TAO” at “nagdalang-DIYOS.” Kaya nang batiin siya ni Elisabeth, tinawag siyang INA NG AKING PANGINOON. Dinala niya ang Diyos na nagkatawang-tao sa kanyang sinapupunan. Ang isinilang niya ay sabay na “taong totoo at Diyos na totoo.” Kay Hesus, na anak ni Maria, hindi na natin mapaghihiwalay ang pagkaDiyos at pagkatao.

Ang pagtawag natin kay Maria bilang “Ina ng Diyos” ay pagkilala sa kababaang-loob ng Diyos na isilang siya ng isang taong katulad ni Maria. Hindi ibig sabihin na DiniDiyos si Maria. Sinasabi lang natin na ganoon ang minabuti ng Diyos, dahil sa kanyang kagandahang-loob at kababaang loob, upang tayong mga tao ay mabahaginan niya ng kanyang pagka-Diyos.

Ano naman ang kinalaman nito sa taunan nating pagdiriwang ng Solemnity of Mary, Mother of God, bilang World Day of Prayer for Peace (Pandaigdigang Panalangin para sa Kapayapaan?) Malaki. Kung naniniwala tayo na ang hangad na kaligtasan ni Kristo ay hindi lang para sa mga Hudyo at hindi rin para sa mga Kristiyano lamang kundi para sa lahat ng tao, dapat maging alagad ng kapayapaan ang sinumang tumuring sa sarili niya bilang alagad at kapatid, o kaibigan at kapanalig ni Kristo. Bakit? Dahil ito ang pahayag na mabuting balita ni Kristo: ang paggalang sa mismong pagkatao ng tao na niyakap niya—anumang kulay, lahi, kasarian, kultura o antas na panlipunan.

Ito ang pinaka-pundasyon ng prinsipyo ng kapayapaan para sa Kristiyano: ang buong pusong pagyakap sa radikal na pag-ibig ng Diyos para sa tao. Ibig sabihin, wala tayong dapat ituring bilang kaaway o kalaban dito sa mundo kundi si Satanas. Wala tayong ituturing na sinuman sa ating kapwa-tao bilang “masamang tao”. Ang radikal na pag-ibig ng Kristiyano ay naka-base sa paniniwalang ang tao ay LIKAS NA MABUTI, kahit gaano pa kasama ang pwede niyang magawa.

Pinanghahawakan ng Kristiyano na kapag nagkakasala o nakakagawa ng masama ang tao, katulad ng pagnanakaw, pagsisinungaling, panlilinlang, panlalait o paghamak sa kapwa, pananakit o pagpatay, ito’y dahil kung minsan nawawala ang tao sa sarili niya, nahihibang, o kusang nililigaw ng dimonyo. Tagumpay ang diyablo kapag napapalaki niya ang ating ulo sa pamamagitan ng pagkahumaling sa kapangyarihan, kayamanan, katanyagan, kapag imbes na tumulad tayo sa Diyos ay natuto tayong mag-Diyos-Diyosan.

Pero heto ang good news. Hindi tayo hopeless. Pwede pa tayong mahimasmasan o matauhan mula sa kahibangan, kung ang lulukob sa atin ay ang Mabuting Espiritu, kung matutuhan natin ang ginawang pagpapakumbaba ng Anak ng Diyos.

Huwag nating itakwil ang isa’t isa. Sa tuwing ating sinasariwa ang ating pananampalataya bilang Kristiyano, isa lang ang itinuturo sa atin na dapat itakwil: si SATANAS. Sa ating first reading, itinuro daw ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Moises,na sa halip na itakwil ang isa’t isa, dapat daw nating matutuhan pagpalain ang isa’t isa, kung ibig nating maranasan ang tunay na kapayapaan na sa kanya lamang nagmumula. Paano? Sa pamamagitan ng pagiging THEOTOKOS, katulad ni Maria: ang maging tagapagdala ng liwanag, tagapaghatid ng biyaya at pagpapala ng Diyos, upang hindi na tayo mahulog pang muli sa kahibangan.

Ano ang panlaban ni Mama Mary sa kahibangan? Sabi ni San Lukas: “Itinanim niya ang mga bagay na ito sa kanyang puso at kanyang pinagbulay-bulay.” Ito ang sikreto ng kapayapaan na itinuturo sa atin ng Mahal na Ina ngayong gabi: ang itanim sa puso ang mga gawain ng Diyos. Ang magbulay-bulay tungkol dito.

Alam ko, malalim na Tagalog na para sa maraming Pilipino ang salitang ito. Mas malalim ang ibig sabihin ng MAGBULAY-BULAY; hindi lang ito mag-isip-isip o magnilay-nilay. Kapag nagbubulay ang tao, inuunawa niya ang kahulugan ng mga bagay-bagay sa buhay niya, kung paano kumikilos ang Diyos sa mga karanasan natin. Kasama na dito iyung madalas kong paalala: ang selective remembering. Tandaan ang dapat tandaan. Kalimutan ang dapat kalimutan.

Kalimutan na ang mga galit at hinanakit. Iwaksi ang nakalalason ng kalooban, tandaan ang tinanggap na kabutihan at nagpalakas ng loob sa atin. Limutin ang yumuyurak sa ating pagkatao. Tandaan ang nagpaangat sa ating dangal. Limutin ang kahihiyang dulot ng mga kapalpakan ng nakaraan, tatandaan ang mga aral na ating natutunan. Maging handang magpatawad lalo na sa mga umaamin ng pagkakamali at nagsisisi at nagpapakumbaba. Panagutin ang mga nananatili sa kahibangan, tulungan silang mamulat, upang maitama ang pagkakamali.

Sa mga sibilisadong bansa sa panahon natin ngayon, hindi na parusa ang turing sa imprisonment o pagbibilanggo sa mga sintinsyado, kundi “restorative justice”. Hindi tayo magkakaroon ng kapayapaan sa daigdig kung manatili tayo sa prinsipyong “mata sa mata, ngipin sa ngipin,” of “lintik lang ang walang ganti.” Hindi solusyon sa kriminalidad ang torture o bitay. Walang mag-aangat sa ating pagkatao kundi ang pag-ibig, ang radikal na pag-ibig na itinuro sa atin ng Anak ng Diyos. Iyung hindi mo ikatutuwa ang anumang makasisira sa iyong kapwa, kahit sa iyong mga kaaway. Ito ang pormula ng kapayapaan, ang daan tungo sa mas makatao at mas makaDiyos na kabihasnan. Isang mapayapang bagong taon po sa ating lahat.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 23,816 total views

 23,816 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 38,472 total views

 38,472 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 48,587 total views

 48,587 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 58,164 total views

 58,164 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 78,153 total views

 78,153 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,195 total views

 7,195 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,325 total views

 9,325 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,324 total views

 9,324 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,326 total views

 9,326 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,322 total views

 9,322 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,194 total views

 10,194 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,396 total views

 12,396 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,429 total views

 12,429 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,783 total views

 13,783 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,879 total views

 14,879 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,087 total views

 19,087 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,806 total views

 14,806 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,175 total views

 16,175 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,437 total views

 16,437 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,130 total views

 25,130 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top