Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 217 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang ‘di pangkaraniwang Urbi et Orbi noong 2020, inilarawan ni Pope Francis ang pandemya bilang isang bagyong inilantad sa ating hindi tayo nabubuhay para lamang sa ating mga sarili. Natagpuan natin ang ating mga sariling marupok at naliligaw. Napagtanto nating kailangan natin ang tulong at pagkalinga ng isa’t isa. Sa bagyong ito, lahat daw tayo ay nasa iisang bangka.

Magdadalawang taon na ang pandemya at ngayon nga ay nasa panibago na naman tayong wave o muling pagtaas ng mga kaso ng mga nagpopositibo sa Covid-19. Pinangangambahan din ang pagkalat ng bago at mas mabilis makahawang variant na Omicron, at nasa alert level 3 ang maraming lugar katulad ng Metro Manila. Hindi pa rin tapos ang bagyong dala ng pandemya. Malalakas na alon ng pangamba at daluyong ng takot ang hatid nito sa atin, ngunit dito sa ating bayan, mukhang wala tayo sa iisang bangka.

Nasa ilalim tayo ng isang bagyo ngunit nakasakay tayo sa iba’t ibang sasakyang pandagat. May mga nasa malalaking barko at marangyang yate kung saan maginhawa silang nakapamumuhay. May mga nasa maliliit na bangka o kaya naman ay mga balsa at pilit na kumakapit para sa kanilang buhay at kaligtasan. Sa madaling salita, pinalutang din ng pandemya ang malalim na hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan, lalo na rito sa Pilipinas.

Makikita natin ito sa kontrobersyang kinasangkutan ng isang kababayan nating sinuhulan ang mga kawani ng isang quarantine hotel upang hindi na niya kailangang tapusin ang kanyang isolation period mula nang dumating galing sa ibang bansa. Napag-alaman ding ginawa niya ito upang maki-party kasama ang kanyang mga kaibigan sa dalawang restawran sa Makati. Kalaunan, nagpositibo siya sa Covid-19 at nakahawa ng iba pa. Due process ang ibinigay ng pamahalaan sa kanya. Nangalap sila ng ebidensya at kinasuhan ang mga sangkot sa paglabag sa Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Hindi ito ang kaso sa mga kababayan nating hinuli at ikinulong agad ng mga awtoridad dahil sa din sa quarantine violations katulad ng paglabas ng bahay habang may lockdown o hindi pagsusuot ng face mask at face shield sa labas. Sa mga unang buwan ng pandemya noong 2020, mahigit 2,000 katao ang ibinilanggo sa mga siksikang kulungan. May ilan pa nga sa kanilang doon pa nahawa ng virus. Maaari namang magpiyansa ang mga nahuli pero saan naman sila kukuha ng pampiyansa gayong wala silang mapagkukunan noon ng kabuhayan? Natatandaan din ba ninyo ang nangyari sa mga pobreng tsuper na sumali sa isang kilos-protesta at agad na pinaghuhuli at ikinulong dahil daw sa paglabag sa utos ng pamahalaang manatili sa bahay? May isa ring tindero ng isda ang hinuli dahil sa lumabas siya upang maghanapbuhay. Nanatili siya sa kulungan nang labindalawang araw dahil bigo siyang makapaglagak agad ng piyansa.

Mahigpit at malupit ang ating pamahalaan sa mga karaniwang Pilipino para sa mga simpleng paglabag, habang ang mga maykaya at maimpluwensyang lumalabag din sa quarantine—katulad ng isang senador na lumabas ng bahay kahit pa positibo at isang hepe ng pulis na nag-birthday party kahit na ipinagbabawal noon ang mass gathering—ay nakakatakas sa kanilang pananagutan o kaya naman ay nabibigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang sarili. Tunay ngang bagamat nasa iisang bagyo tayo, iba-iba ang mga bangkang ating kinalalagyan.

Mga Kapanalig, paalala nga sa Levitico 19:15, “Humatol kayo batay sa katuwiran.” At ang hinihingi ng katuwiran ay ang pagiging patas sa lahat ng pagkakataon. Sa huli, huwag lang natin ibunton ang ating pagkadismaya sa mga taong lumalabag sa mga patakaran. Tutukan din natin ang mga naatasang magtiyak na patas na naipatutupad ang batas.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 45,269 total views

 45,269 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 56,344 total views

 56,344 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 62,677 total views

 62,677 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 67,291 total views

 67,291 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 68,852 total views

 68,852 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 45,270 total views

 45,270 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 56,345 total views

 56,345 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 62,678 total views

 62,678 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 67,292 total views

 67,292 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 68,853 total views

 68,853 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,111 total views

 44,111 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,772 total views

 66,772 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,348 total views

 72,348 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,829 total views

 77,829 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,942 total views

 88,942 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,941 total views

 84,941 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,643 total views

 72,643 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,125 total views

 81,125 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,184 total views

 74,184 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,108 total views

 81,108 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top