Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Igalang mo ang iyong ama at ina

SHARE THE TRUTH

 539 total views

Mga Kapanalig, ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Oktubre ang “Linggo ng Nakatatandang Pilipino” o ang “Elderly Filipino Week.” Espesyal na panahon ito upang bigyang-pugay ang natatanging papel ng mga nakatatanda. Dito sa Pilipinas, tinatayang mahigit 7 milyon ang 60 taóng gulang pataas o mga senior citizens.

Ngayong taon, ang tema ng pagdiriwang ay “Pagmamahal at Respeto ng Nakababata, Nagpapaligaya sa mga Nakatatanda”. Angkop na angkop ang tema sa kalagayan ng ating mga nakatatandang nahaharap sa maraming mga pagsubok habang tinatahak nila ang tinatawag na dapithapon ng kanilang buhay. Dala na rin ng kanilang edad, marami sa kanila ang may iniindang sakit. Sa panahon ngayon kung saan mas gusto ng mga employer ang mga mas mabata at malakas, ang mga nakatatandang hindi na kayang makapaghanapbuhay ay nakararanas ng kahirapan. At mukhang taliwas na sa sinasabing pinapahalagahan nating mga Pilipino ang ating mga nakatatanda ang bilang ng mga pinapabayaan o inaabuso sa kanilang mga pamilya, kaanak, o kahit sa mga institusyong tinutuluyan nila.

Sa isang pakikipagpulong sa Pontifical Academy for Life sa Roma noong 2014, sinabi ni Papa Francisco na bagamat mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan, hindi ito ang tanging batayan ng halaga ng isang tao. Ang pinakamatinding hirap na nararanasan ng mga matatanda ngayon ay hindi ang panghihina ng kanilang katawan o ang pagkabalda na sanhi ng kanilang pagtanda, kundi ang pagpapabaya, pagsasasantabi, at kawalan ng pagmamahal sa kanila.

Dito sa Pilipinas, nakararanas ang mga nakatatanda ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso at kalupitan—pisikal, sikolohikal, pinansiyal, at pagsasabi ng masasakit na salita laban sa kanila. Marahil may mga kilala tayong nakatatandang hindi na inaasikaso ng kanilang mga kaanak kahit sila ay may sakit dahil pabigat sa pamilya ang tingin sa kanila. May mga kaso ring sapilitang kinukuha ang kanilang pera, o sinasaktan at minumura kapag sila’y nagkakamali. Kamakailan, may nabalitang isang matandang may sakit sa pag-iisip ang nilagyan ng kulyar ng aso o dog collar sa kanyang leeg upang hindi raw magpagala-gala sa kanilang lugar. Sa isang pag-aaral ng UP National College of Public Administration and Governance, nakitang ang madalas na nang-aabuso sa mga matatanda ay mga mismong kapamilya nila—anak, asawa, at kahit mga apo. Marami sa mga pang-aabusong ito ay hindi na ipinararating sa kinauukulan gaya ng pulisya dahil sa takot na saktan pa sila lalo. Ipinapasa-Diyos na lang daw ng nila ang lahat.

Bilang mga Kristiyano, tayo ay may pananagutan sa ating kapwa, lalo na sa mga pinakamahihina at isinasantabi ng lipunan, kabilang ang mga nakatatanda. Sa kanyang apostolic exhortation na Familiaris Consortio, sinabi ni Pope John Paull II na bahagi ng pastorál na gawain ng Simbahan—tayo po iyon, mga Kapanalig—na alamin, kilalanin, at pagyamanin ang papel ng mga nakatatanda sa ating lipunan at lalung-lalo na sa ating pamilya. Bitbit ang mahaba at malalim na karanasan sa buhay, binibigyang-linaw ng mga nakatatanda ang mga pinahahalagahan o values natin bilang mga tao.

Kaya’t mga Kapanalig—lalo na sa mga may nakatatanda sa inyong pamilya—panahon na upang tayo naman ang mag-alaga sa ating mga matatandang magulang, silang mga nag-aruga, nagpakain, nagpaaral, at patuloy na nagmamahal sa atin. Sa kanilang katandaan, huwag natin silang kalimutan o pabayaan. Patuloy natin silang pasalamatan at kalingain habang sila’y nabubuhay, dahil kung wala sila, wala rin tayo ngayon. Para sa ating mga kabataan, igalang natin ang mga nakatatanda at ituring silang para na rin nating mga magulang.

May matamis na pangako ang Diyos sa mga may pagmamahal sa mga nakatatanda. Alalahanin lagi ang ikaapat na utos: “Igalang mo ang iyong ama at ina, nang sa gayo’y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na iyong Diyos.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 37,309 total views

 37,309 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 48,384 total views

 48,384 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 54,717 total views

 54,717 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 59,331 total views

 59,331 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 60,892 total views

 60,892 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 37,310 total views

 37,310 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 48,385 total views

 48,385 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 54,718 total views

 54,718 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 59,332 total views

 59,332 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 60,893 total views

 60,893 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,379 total views

 43,379 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,041 total views

 66,041 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,617 total views

 71,617 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,098 total views

 77,098 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,211 total views

 88,211 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,210 total views

 84,210 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 71,912 total views

 71,912 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,394 total views

 80,394 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,453 total views

 73,453 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,377 total views

 80,377 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top