200 total views
Nananatiling epektibo sa patuloy na paglawak ng pagkahawa mula sa Covid 19 ang ‘lockdown o mahigpit na panuntunan ng community quarantine.
Ito ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines on Public Affairs kaugnay sa muling pagtaas sa Alert level 4 ng Metro Manila at iba pang lugar sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Fr. Secillano, bukod sa Pilipinas, ganito rin ang paraan na gingawa sa iba’t ibang bansa upang mapigil ang ‘transmission ng virus.
‘It is still effective. Even more developed countries are doing it to contain the spread of the virus. It is better than allowing people to roam around while the virus is wreaking havoc’, ayon kay Fr. Secillano.
Umaasa naman ang pari na kasabay ng pagpapairal ng lockdown ay ang pagtiyak din sa mga kinakailangang gamot para sa mga pasyenteng nahawaan ng Covid 19.
‘Of course, other means are necessary like providing medicines that can effectively cure the effects of the virus,’ dagdag pa ng pari.
Mula sa isang libong kaso kada araw noong Disyembre, higit sa 20 libo ang kaso kada araw ang naitatala sa pagpasok ng bagong taon.