182 total views
Sinuportahan ng Opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagkakaroon ng Health at Academic break ng mga malalaking paaralan at katolikong institusyon sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Bayumbong Bishop Elmer Mangalinao, Chairman ng CBCP- Episcopal Commission On Catechesis And Catholic Education, layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga kawani, mga guro st estudyante.
“Ako ay sumasang-ayon doon sa mga ginawa ng ating mga namumuno sa ibat-ibang katolikong paaralan sa health break dala ng masusing pag-aaral dahil sa pag-taas ng bilang ng mga nagkakaroon muli ng COVID-19.sumasang-ayon ako sa napakagandang desisyon, unahin muna ang kalusugan at buhay,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Obispo.
Inihayag ng Obispo na mahalaga rin ang pakikiisa ng bawat estudyante, guro, kawani ng paaralan at maging angkanilang pamilya sa hakbang ng pagpapabakuna at pagsunod sa mga ipinapatupad na health protocols ng pamahalaan
Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa mula sa COVID-19 at hindi na kakalat pa ang sakit maging sa mga paaralan sa Pilipinas.
“napakahalaga talaga ngayon na nakabakuna na.ayon pa kay Bishop Mangalinao.
Noong ika-10 ng Enero, ipinagpaliban ng De la Salle University ang mga klase kasama ang mga paaralan ng Saint Pedro Poveda College, San Beda University at marami pang ibang mga unibersidad at catholic institution.
Una naring nag-anunsyo ang University Of Santo Tomas na ipagpapaliban ang pagsisimula ng 2nd semester na dapat sana ay magsisimula sa january 18 ngunit inilipat ito sa january 25 dahil narin sa banta ng covid-19.